Umaabot sa thousands of acres ang mga pineapple plantations sa Mindanao. Isa sa pinakamalawak na taniman ng pinya ay nasa Polomaloc, South Cotabato. Napag-alaman na 200,000 pinya ang inaani araw-araw ng Dole Pineapple Plantation. Sa daily harvest ay malaki ang buwis na ibinibigay sa gobyerno ng mga pineapple planters. Ang mga pinyang sumailalim sa masusing proseso ng pagsasa-delata ay mabili hindi lamang dito kundi sa iba pang Asian countries.
Tinalakay kamakailan ng BANTAY KAPWA ang industriya ng pinya at tinukoy ang mga pinyang Formosa ng Daet, Camarines Norte bilang pinakamatamis na pinya sa buong mundo. Ayon sa ilang pineapple planters sa Daet, kulang lang sila ng perang kapital para paunlarin ang industriya ng pinya sa kanilang lalawigan. Sa mga hindi nakakaalam, ang pinya ay mayaman sa calcium at iba pang minerals na kailangan ng katawan.