Aluminum: Dahilan ng Alzheimer's disease?
October 20, 2002 | 12:00am
KUNG ikaw ay nagiging malilimutin at nahihirapang alalahanin o makapag-perform ng mga bagay na kadalasan mo nang ginagawa, o kayay nagbabago ang iyong personalidad, maaaring sintomas iyan ng Alzheimers disease. Kapag napansin ang mga ganitong sintomas, nararapat na kumunsulta agad sa doktor.
Ang Alzheimers ang pinaka-karaniwang dahilan ng dementia o mental impairment. Ito ay degenerative disease ng cerebral cortex at gradual ang pagkawala ng memorya hanggang sa maging malala na at pati physical abilities ay apektado na.
Sa late stages ng Alzheimers disease, ang pasyente ay wala nang kakayahang magsalita, paralisado na at wala nang maalala sapagkat apektado na ang kanyang memorya.
Ang dahilan ng Alzheimers ay hindi pa lubusang mabatid kung ano ang pinagmulan subalit maraming mananaliksik ang naniniwalang may connection ang deposition ng aluminium sa mga selula ng utak. Sa ganitong paniniwala, ipinapayo na iwasang magluto ng mga acidic na pagkain sa aluminium pans para hindi ma-contaminate ng aluminium.
Hanggang ngayon, wala pang natutuklasang gamot sa Alzheimers. Kung nasa early stage pa lamang ang Alzheimers kinakailangang hikayatin ang pasyente na magkaroon ng mental activity. Ang suporta at tulong ng pamilya ay kailangan ng isang may Alzheimers disease.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended