^

PSN Opinyon

Paano kami magiging Pag-IBIG member?

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Nabasa ko ang sulat sa inyo ni Albert ng Parañaque tungkol sa kagustuhan nilang mag-miyembro ng Pag-IBIG. Iminungkahi ninyong kausapin nila ang kanilang employer. Ako at ang aking mga kasamahan sa trabaho, mga 30 po kami ay mas mahirap ang kalagayan, ilang beses na naming kinausap ang aming employer subalit tumanggi siyang maging miyembro kami ng Pag-IBIG.

Ano ba ang dapat naming gawin upang maging miyembro ng Pag-IBIG sapagkat gusto naming malasap ang mga benepisyo gaya ng housing loan, multi-purpose loan at iba pa? – Dely Dela Cruz ng Quezon City


Ayon sa Presidential Decree 1752 (batas na lumikha sa Pag-IBIG Fund) mandatory na miyembro ng Pag-IBIG, ang lahat ng miyembro ng SSS at GSIS. Kung miyembro kayo ng SSS dapat na maging miyembro rin kayo ng Pag-IBIG. Dahil sa pagtanggi ng inyong employer, pinapayuhan ko kayong magtungo sa Legal Department ng Pag-IBIG Fund sa 8th Floor Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City upang personal na maghain ng reklamo.

Iimbestigahan ng Legal Department ang inyong kaso. Kapag napatunayang tumanggi ang employer na irehistro kayo sa Pag-IBIG, maaari siyang ihabla ng Pag-IBIG Fund sa kasong kriminal sa paglabag ng PD 1752. Ayon sa batas na ito ang pagtanggi o hindi pagrehistro ng employer ang mga empleado nito sa Pag-IBIG ay maaaring patawan ng kaparusahan ng pagkabilanggo ng hindi hihigit ng anim na taon.
* * *
Para sa katanungan sumulat sa Office of the Chairman, Housing and Urban Development Coordinating Council, 6th Floor Atrium Building, Makati Avenue, Makati City. Pakilagay lamang kung gusto ninyong ipalathala sa Pilipino Star NGAYON (PSN) ang inyong sulat.

AYON

DEAR SEC

DELY DELA CRUZ

FLOOR ATRIUM BLDG

FLOOR ATRIUM BUILDING

IBIG

LEGAL DEPARTMENT

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with