^

PSN Opinyon

Ang mga mayor sa Bulacan na may payola sa mga gambling lords

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAALARMA si Interior Secretary Joey Lina sa pagsulputang muli ng jueteng operations sa buong Luzon pero sa tingin ng sambayanan kahit anong panibagong pagbabanta ang gagawin niya ay mauuwi lamang sa laway.

Sa Central Luzon, kabilang na ang Lubao, Pampanga ang hometown ni Presidente Arroyo, ay balik na naman sa dating gawi ang jueteng. Kung noon ay guerilla-type ang operation sa ngayon ay malawakan na. Ibig kung sabihin hayagan na ang pangungubra ng taya ng mga kubrador. He-he-he! Akala ko jueteng-free na ang Central Luzon?

Sa Bulacan ang nagpapatakbo ng jueteng doon ay sina Abet Viceo, Ayad Viceo, Boy Viceo, Abner Nicolas at Romy Suarez na isang pulis. Ibinulgar ko na ang mga bayan kung saan sila nag-ooperate at ang kubransa nila kada araw. Sa ngayon naman ay ang mga payola ng mga gambling lords sa mga local government officials na dapat lang aksiyunan ni Lina para sabihin ng sambayanan na nasa tamang direksiyon pa rin ang anti-jueteng campaign niya.

Kung ang kampo ni Abet Viceo ang paniniwalaan, tumataginting na P200,000 ang ipinararating niya sa opisina ni San Miguel, Bulacan Mayor Santi Sevilla. Sa opisina ni Baliuag Mayor Lando Salvador ay P300,000 kada buwan; P200,000 monthly ang kay Plaridel Mayor Jaime Bistan at P150,000 naman ang kay Calumpit Mayor Monching Pangandanan. Si Nicolas naman at may lagay na P150,000 kada buwan sa opisina ni Pulilan Mayor Elpidio Castillo, P160,000 ang kay Malolos Mayor Danny Domingo, P100,000 kay Paombong Mayor Domingo Gonzales, at P300,000 ang kay Angat Mayor Leonardo de Leon.

Si Boy Viceo naman ay walang lagay sa bayan ng San Rafael dahil siya pala ang Mayor doon; P250,000 kay San Ildefonso Mayor Galvez; P200,000 kay Pandi Mayor Andres; P300,000 kay Sapang Palay Mayor Roquer at P200,000 kay Mayor Boy Cruz ng Guiguinto. Si Ayad Viceo ay naglalagay ng P150,000 kay Mayor Oble ng Hagonoy samantalang si Suarez ay P80,000 kada buwan kay Mayor Joaquin ng Obando at P120,000 kay Mayor Eddie ng Meycauayan. Sa Arayat, Pampanga P300,000 din ang lagay ni Abet Viceo kay Mayor Espino.

Bilang aksiyon sa pagbubulgar ko, nangako si Calderon na paiigtingin pa niya ang kampanya laban sa jueteng. He-he-he! Sawa na ang sambayanan sa pambobola mo Gen. Calderon Sir. Tapos na ang AGI-ORSITE kaya’t hayan balik ligaya na naman ang lahat ng nakikinabang sa jueteng. Ano ba ’yan? Dapat ’wag sundan ni Calderon ang mga yapak ni Lina at baka pati siya ay maputulan din ng ulo pag nagkataon.

vuukle comment

ABET VICEO

ABNER NICOLAS

ANGAT MAYOR LEONARDO

AYAD VICEO

BALIUAG MAYOR LANDO SALVADOR

BOY VICEO

BULACAN MAYOR SANTI SEVILLA

CALDERON SIR. TAPOS

KAY

MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with