^

PSN Opinyon

Mainit ang simoy ng hangin sa Quezon

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MATINDI pa sa kumukulong langis ang init ng operasyon ng militar at kapulisan laban sa NPA sa Quezon Province. Hindi sila tumitigil sa hot pursuit operations. Hindi lamang upang ihingi ng hustisya ang mga napatay na kasamahan ng PNP kundi upang mapanatili ang peace and order.

’Ika nga sa Bibliya, an eye for an eye, a tooth for a tooth.

Nagkapundihan nang husto ang mga magkakalaban nang maupakan ang dalawang pulis sa kanilang istasyon sa Lopez, Quezon.

Gapangan ang operasyon ng militar botak naman ang NPA porke TNT ngayon ito sa kabundukan at ang ilan sa kanila ang nakahalo sa mga civilian na sumusuporta sa layunin ng huli.

Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO si Quezon Provincial Commander Sr. Supt. Roberto Rosales sa tanggapan ni CALABARZON Director Chief Supt. Ike Galang noong Martes ng umaga at may maganda siyang panukala para makuha at mainguso ang mga NPA.

Sabi ni Rosales, sa mga kuwago ng ORA MISMO, may P50,000 reward silang ibibigay sa mga taong positibong magngunguso sa mga NPA at mahuhuli nila. Ika nga may mga ala-James Bond ngayon sa Quezon.

Napag-alaman ng mga kuwago ng ORA MISMO na matindi pala ang operasyon ng NPA sa kanilang pangongotong na tinatawag na revolutionary tax kasi P2 million pala ang hatag ng lahat ng bus companies na may rutang CALABARZON kada taon.

Ang hindi magbibigay sa kanilang gusto siguradong litson-bus ang mangyayari sa kanilang mga sasakyan kaya’t sigurado na semplang ang may-ari ng masusunugan.

Nang tanungin ng mga kuwago ng ORA MISMO si Rosales kung saan niya kukunin ang reward money ay sumagot itong "secret".

May perang makukuha, importante ito para madaling mahuli ang mga NPA.

"Sa palagay mo ba dahil sa reward money tiyak na makakahuli ang mga awtoridad ng mga NPA?" tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong.

"Tiyak tutulong dito ang pamahalaang lokal kasi pabor sa kanila na maging NPA free ang kanilang mga lugar," sagot ng kuwagong Kotong cop.

"Paano kung iba ang maituro?"

"Hindi naman bobo ang militar at pulisya para hindi nila ma-double check ito."

"Eh di sigurado tayong maraming picture-taking ang mangyayari kapag nagkataon."

"Tiyak dadami ang bida rito," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Oks lang iyon kung marami ang maging bida basta ang importante ay huwag mawala ang mga negosyante."

"Sa hirap ng buhay ngayon, tiyak maraming kakagat at mag-aala-Hudas Iskaryote."

"Sigurado yan, kamote!"

DIRECTOR CHIEF SUPT

HUDAS ISKARYOTE

IKA

IKE GALANG

JAMES BOND

NPA

QUEZON

QUEZON PROVINCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with