'Anay' sa Simbahan
October 10, 2002 | 12:00am
ISANG ama ang sumulat sa kin. Gusto niyang malaman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang kanyang hinaing.
Nasubaybayan niya ang pagtalakay natin sa pagtatatwa ng CBCP sa multi-milyong pisong utang sa mga creditors nang bumagsak ang itinayong CBCPNet.
Naghihinanakit si Mr. Ernesto Calingo. Ang anak niyang si Emerson ay sabit sa milyong-pisong demanda dahil sa pagtulong sa pagsu-supply ng computers sa CBCPNet.
Batang negosyante si Emerson. May munting computer business ang Micromation System. Komo proyekto ng simbahan, tiwalang namagitan si Emerson sa isang computer supplier, ang LP Electronics, para sa mga kailangang computer units ng CBCPNet.
Isandaang units sa inorder na 200 units ang nai-deliver sa CBCP na nag-isyu ng P2.6 milyon sa Micromation bilang paunang bayad na inendorso naman ni Emerson sa LP Electronics. Tumalbog ang tseke kaya nag-execute ng promisory note si Emerson na gumagarantiya sa utang. Tiwala si Emerson na hindi tatalikdan ng mga "alagad ng Diyos" ang obligasyon.
Napabayaan ni Emerson ang negosyo dahil sa kahahabol sa CBCP. Akala niyay nabunutan na siya ng tinik sa lalamunan. Nag-isyu muli ng tseke ang CBCP pero ito raw ay tumalbog din gaya nung una.
Masama ang pasok ng taong 2002 kay Emerson. Enero 10, 2002, sa Makati City Jail siya bumagsak. 24-araw siyang nakalaboso. Nakalaya lamang siya sa bisa ng piyansa. Inihabla siya ng creditor. Dahil sa laki ng utang, pati ang LP Electronics na naghain ng demanda ay nabangkarote rin!
Sa batang edad na 30-anyos, walang-wala si Emerson ngayon.Tanging hawak niyay mga papeles: Ang Secretarys Certificate na nagsisilbing CBCP guarantee, ang dokumento sa kasunduan ng CBCP sa Twins Inc. para sa pagtatayo ng CBCPNet na hindi naman kinikilala ng Simbahang Katoliko.
Isa lamang si Emerson sa maraming pinagkakautangan ng CBCP. Sabi ng CBCP, "ipinagamit" lamang nito ang pangalan sa Twins at hindi ito dapat papanagutin. Saan mang anggulo silipin, baluktot ito.
Umaapela sa konsensya ng CBCP ang ama ni Emerson. "Mahabag kayo sa aking anak at kilalanin ang responsibilidad."
Ito naman ang panawagan ko sa CBCP maawa kayo sa Simbahang Katoliko na mawawalan ng kredibilidad at mawawasak ang imahe bilang "simbahan ng Diyos" dahil sa baluktot na katuwiran.
Kung may magandang intensyon ang CBCP, sanay sagutin ang panawagang ito, hindi lamang ni Emerson kundi ng lahat ng pinagkakautangan nang malaki. Salamat po mga pinagpipitaganang Obispo sa CBCP and may God elucidate your minds.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest