^

PSN Opinyon

Bagong-luma kasi

SAPOL - Jarius Bondoc -
MASAMANG pangitain ito. Kabubuo pa lang ng Philippine Drug Enforcement Agency. Ito ang ahensiyang lalaban sa salot na droga at sa posibilidad na maging narcostate ang Pilipinas. Pero wala pang isang buwan ang PDEA natakasan–pinatakas?–agad ng detainee. At hindi basta detainee kundi Chinese drug lord alyas Henry Tan na nahulihan ng 350 gramong shabu.

Kinulong ang PDEA jail guards. Wala kasing maniwala sa palusot nilang nilagari ni Tan ang rehas sa second floor ng dating Camp Crame headquarters ng NarcGroup, tumalon pababa, at inakyat muli ang pader na 20 feet ang taas. Ni hindi kakasya ang tao sa puwang na nilagari. At papano sila nalusutan ng lagari at ingay nito?

Problema, bago lang ang PDEA sa pangalan. Pero ang mga tauhan nito ay luma na sa maruming laro ng drug enforcement. Hinila lang sila sa iba’t ibang antinarcotics units ng PNP at NBI. Hindi sinala. Nakalusot ang mga dating bulok na nagpapasuhol sa drug lords at nagre-recycle ng huling shabu. Hindi kontento sa suweldong-pulis. Ang gaan pa naman ng parusa kung matakasan ng detainee. Anim na buwan hanggang anim na taong kulong lang. Mas mamatamisin ang milyon-pisong lagay.

Luma rin kasi ang mga hepe ng PDEA, sina retired PNP Generals Anselmo Avenido at Efren Fernandez. Malinis nga sila, pero madaling bumilib sa bataang makuwento pero bulok. At dahil natakasan, halatang mahina rin sila sa administrative skills.

Obvious naman na dahil malapit sa tukso ang drug enforcement, dapat ay bumuo agad sina Avenido at Fernandez ng malakas na Internal Affairs Department. Ito ang taga-imbestiga sa mga tiwaling tauhan para mabilis na maparusahan at masibak. Dapat din sinuri nang husto ang pagkatao ng bawat recruit. At dapat naglapat nang mahigpit na sistema sa paghuli at pagpiit ng suspects.

Marami pang dapat isagawa sina Avenido at Fernandez, tulad ng pagtutok sa bawat kasong droga. Pero nakakaduda kung kakayanin nila.
* * *
Abangan: Linawin Natin, tuwing Lunes, 11:30 p.m., sa IBC-13.

AVENIDO

CAMP CRAME

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EFREN FERNANDEZ

FERNANDEZ

GENERALS ANSELMO AVENIDO

HENRY TAN

INTERNAL AFFAIRS DEPARTMENT

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with