^

PSN Opinyon

Hukom at berdugo nga ba?

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
Nakarating sa akin ang nangyari sa Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga kung saan ay hindi naipatupad ng Bureau ang mga kaukulang batas para sa umano’y mga smuggled goods ng Chinese businessman na si Lepeng Wee.

Sa isang written appeal sa Presidente, ikinalungkot ng ilang mga tauhan o grupo sa Zamboanga BOC ang umano’y pagbasura ng DOJ sa isinampang demanda laban sa consignee dahil sa kakulangan ng mga kaukulang papeles upang mailabas ang nasabing shipment kay Wee.

Sa paglalahad ng kanilang hinaing, lumalabas na tila naging ‘‘judgmental and executory’’ ang ginawang pambabasura ng DOJ sa nasabing reklamo, sa kabila ng pag-apruba sa resolusyon ni Chief State prosecutor Jovencito Zuño na may ‘‘probable cause’’ na ang shipment ay kontrabando nga.

Ayon sa PNP Crime laboratory ang 39 drums na kemikal na para kay Wee ay hindi karaniwang kemikal lamang, kundi sangkap na ginagamit sa paggawa ng shabu!

Ayon sa BOC, ito ay isang sensitibo at delikadong hakbang sa panig ng DOJ, dahil nagbibigay ito ng maling senyales sa ating mga kababayan sa pagpapatupad ng mga kaukulang batas sa kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian at krimen sa bansa.

Kung mananaig ang pasya ng DOJ, maaaring lumakas pa ang loob ng mga smugglers sa ating bansa na ipagpatuloy ang kanilang mga gawain, sa paniniwalang hindi naman sila kayang supilin ng mga awtoridad.

At dahil sa ito’y isang kampanya laban sa katiwalian, sinuportahan ng VACC, e-just at Gabriela ang isinusulong ng Zamboanga BOC, sa pangunguna ni Customs Collector Atty. Des Mangaoang.

Tinatawagan ang mga kinauukulan na tugunan ang kaganapang ito, upang hindi naman mabansagan ng ating mga kababayan na judge and executioner ang nagpapatupad ng batas.

vuukle comment

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

CHIEF STATE

CUSTOMS COLLECTOR ATTY

DES MANGAOANG

GABRIELA

JOVENCITO ZU

LEPENG WEE

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with