^

PSN Opinyon

Liwanag sa kinabukasan

BAGONG SIBOL - BAGONG SIBOL ni Melissa P. Rufo -
ISANG kakaibang araw iyon para sa mga kabataang Pilipino. Lahat sila’y ipinatawag at nagtipon sa isang lugar lamang. Maraming pagkain, inumin, alak, sigarilyo at iba pang mga bagay na kanilang kinahumalingan; isa na rito ang ipinagbabawal na gamot. Buong maghapon silang nagsaya. Kinalimutan nila ang mga problema at responsibilidad.

Dumating ang takip-silim. Patuloy pa rin ang mga kabataan sa kanilang baluktot na mga gawain. Hindi nila namalayan ang panganib na nakaabang kapag ipinagpatuloy nila ito. Ilang mga kabataan ang tila namulat at ninais nang makaalis. Niyaya nila ang iba pa ngunit hinarang sila ng may-ari ng lugar. Nang tangkain nilang tumakas, pinagtawanan lamang sila nito at sinabing lahat ng pumapasok sa lugar na iyon ay imposible pang makalabas.

Nagimbal ang lahat nang magdilim. Tila ba hudyat iyon ng malagim na kanilang patutunguhan. Muli na namang nagsalita ang may-ari ng lugar na noong una ay mukhang anghel na ngayon ay nag-anyong demonyo. Pinapili sila sa dalawa: Una, sa labas kung saan naroon ang lahat ng uri ng karahasan, at pangalawa, sa loob ng kulungan kung saan mayroong halimaw na unti-unting sisira sa kanilang buhay at pagkatao at sisilain pagkatapos.

Marami ang namatay sa karahasan. Hindi iilan ang nasira ang buhay. Isa sa mga naroong kabataan ang may kabutihan at pag-ibig sa puso ang humanap ng paraan upang matapos na ang nakahihindik na lagim na nangyayari. Naantig ang puso ng ilan hanggang sa sila’y dumami.

Dahil sa nangyaring iyon, unti-unting sumikat ang araw. Simbolo ng bagong pag-asa at ng panibagong buhay. Nakipagtulungan na ang iba pang kabataang ayaw sanang maniwala sa pagbabago. Lalong lumiwanag ang kapaligiran. Nahawi ang madilim na ulap. Unti-unting natunaw at naglaho ang demonyo, kasama na ang kanyang mga kampon.

Nagapi na nga ang kasamaan at nagtulong-tulong ang bagong henerasyon tungo sa kaunlaran kasabay ng pagwagayway ng bandilang Pilipinas.

Bigla akong nagising. Isa lamang palang panaginip iyon. Nalungkot ako sapagkat totoong laganap na nga ang dilim sa buhay ng mga kabataan ngayon na aking kinabibilangan. Puro karahasan ang nakaabang sa labas ng tahanan at ang ilan na nasa loob nga subalit biktima naman ng pagsasamantala. Totoong nalugmok na nga ang ating lipunan at kabataan sa ganitong sitwasyon. Subalit hindi pa huli ang lahat sapagkat dumating ang umaga, ang liwanag sa kinabukasan.

Mga kabataan, hayaang sa inyo magsimula ang pagbabago. Dinggin ninyo ang aking sinasabi, abutin ninyo ang aking isipan, damhin ninyo ang tibok ng aking puso.

BIGLA

BUONG

DAHIL

DINGGIN

DUMATING

ILANG

ISA

KABATAAN

KINALIMUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with