'Jueteng free' ang Region 4
September 26, 2002 | 12:00am
NAKAUSAP ng mga kuwago ng ORA MISMO noong Lunes ng umaga si Region 4 Director Chief Supt. Ike Galang tungkol sa jueteng operations na parang kabuteng namumutiktik sa Cavite, Laguna, Batangas at Quezon.
Sabi ni Ike, gagawin niyang "jueteng free" ang kanyang mga nasasakupang probinsya sa abot ng kanyang makakaya. Parang trumpo itong nag-iikot sa mga probinsiyang nabanggit upang manduhan ang mga police commanders na "by hook or by crook" kailangan patigilin sa lalong madaling panahon ang illegal gambling game o ang ulo nila ang kapalit.
Sabi ni Ike, ok na ang Batangas porke tigil na ang jueteng dito. Isusunod niya ang centralized jueteng sa Cavite na pinatatakbo ni supsupin este mali ni Cupcupin, ang sinasabing alagad ng asawa ng isang senador kaya napakalakas ng loob na gumawa ng mga illegal.
Sa Cavite ay may P500,000 o mahigit pa ang kubransa araw-araw tulad sa bayan ng Noveleta, Rosario, Tanza, Cavite City, Dasmariñas, Naic at Indang. Naagaw daw ng grupo ni supsupin este mali ni Cupcupin pala ang dating teritoryo ni Joe Combat kayat malamang magkaroon ng kombatan sa Cavite. Hintayin natin ang giyera patani rito, AFP Chief of Staff General Benjamin Defensor, Sir.
May nagbulong sa mga kuwago ng ORA MISMO na tinapalan sa mukha ng pitsa ni supsupin este mali ni Cupcupin pala ang mga kurap na pulis sa Cavite para ma-centralized nito ang mga nasabing lugar. Take note, PNP bossing Jun Ebdane, Sir.
Tiniyak ni Ike, na ipahahanap nito sa kanyang intelligence team si Boy Luga, ng Ligtong, Baby Tsina, Reyna ng Cavite City; at si Litang kabayo ito iyung mga alagad ni supsupin este mali ni Cupcupin pala para magbigay linaw sa lawak ng kanilang illegal operations.
Sa Lucena City ay kakausapin ni Ike si Mayor Talaga. Hanggang ngayon ay hindi pa talaga alam ni Mayor Talaga na talamak ang jueteng operations sa nasabing lugar.
"Mukhang go, go, go si Ike sa jueteng," sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.
"Siyempre sumemplang dito ang kanyang pinalitan kaya hayun nasa kangkungan ngayon," pailing na sabi ng kuwagong Kotong cop.
"Baka ningas cogon lamang ang aksyon ni Ike at later bira muli ang mga jueteng lords?"
"Palagay ko hindi. Tamo sa Bicol binalya ni Ike ang mga jueteng operators dito kaya nga siniraan ito kay Prez Gloria porke siya pa raw ang bangka sa jueteng doon."
"Ano ang ginawa ni Prez Gloria?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Siyempre hindi naniwala si Prez personal niyang kilala si Ike kaya nagkibit balikat ito.
"Ibig mong sabihin tiyak na jueteng free ang Region 4?"
"Wait and see tayo, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest