Ang pinaka-madalas na pinupuntahan ng caregivers ay Canada at Israel; minsan US. Inaabisuhan ng mga Pinoy doon ang mga kaibigan at kamag-anak kung may job opening. Kadalasan, tinatanong sila ng amo sa opisina o bahay kung may kilalang handang mag-alaga ng lolo o lola, kung minsan ay pre-schoolers ng working couples. Sagot agad siyempre ng mga OFW ay huwag mag-alala at ihahanap sila.
Mabigat ang trabahong caregiving. Taga-paligot bihis sa alaga, taga-bigay ng gamot at pagkain, taga-pasyal at kung ano-ano pa. Yaya kumbaga. On-call ano mang oras ng araw o gabi, kaya stay-in. Half-day lang kada linggo ang off.
Pero okey na rin ang suweldo: $1,500-$2,000 ang starting, at may umento kung natuwa ang amo. Pakain at patira sa bahay, sagot na rin ang basic needs tulad ng sabon o damit. Kasama sa biyahe kung minsan.
Ang pinaka-matindi, yung amo ang sumasagot ng eroplanot visa, pati permanent residency o immigration papers.
May mga accredited training centers ang TESDA sa caregiving. May takdang bilang ng oras ang kurso, naglalaro sa P7,000-P17,000, depende sa ganda ng facilities.
Tinuturo sa centers ang mga paraan at estilo ng pag-aalaga. Pero napaka-importante ay pagsasanay sa Ingles. Bihasa ang Pilipino mag-Ingles, pero sa kapwa Pilipino rin. Hirap silang intindihin ang Ingles sa Canada, US o Israel, kaya madalas ay bagsak sa exams. Para masanay, manood ng English shows sa telebisyon, miski cartoons.