^

PSN Opinyon

Mensahe ng kugon

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
DINALAW ko uli si Tata Poloniong sa kanyang bahay. Nakasalampak kami sa sahig na kawayan at nilalasap ang simoy ng hangin na lumalagos mula sa bukas na bintana at siwang ng sahig.

Napag-usapan namin ang tungkol sa mga problema sa bukid. Isa sa mga problemang nabanggit niya ay ang tungkol sa kugon. Mahirap patayin ang kugon kapag nakakalat na. Ang isang bahagi raw ng kanyang lupa na nasa dalisdis ng burol ay napakaraming kugon at hindi na makontrol. Marami raw siyang hiningan ng payo.

Isang kaibigan daw ang nagpayo na taniman ng saging. Ang lilim daw ang papatay sa kugon. Subalit sa halip mamatay ang kugon, ang mga saging ang namatay. Tamnan daw ng kalamansi subalit ganoon din ang nangyari. Hindi mapigilan ang kugon.

‘‘Ano ang ginawa mo Tata Poloniong?’’

‘‘May nagsabi sa akin na dapat ay bagin o kamote ang itanim. Ang bagin o kamote ay kakalat sa lupa at pipigil sa pagtubo ng kugon."

‘‘Mahirap pala talagang patayin ang masamang damo.’’

‘‘Tama ka,’’ pag sang-ayon ni Tata Poloniong. ‘‘Pero may aral kang makukuha sa kugon. Alam mo bang kahanga-hanga ang ugat ng kugon. Umaabot ito hanggang sa kailaliman ng lupa. Ito ang dahilan kaya mahirap patayin ang kugon."

Napabuntong-hininga si Tata Poloniong, ‘‘Kapag malalim na ang ugat ay matibay sa tagtuyot at hindi madaling mabuwal ng bagyo. Naaalala kong sinabihan ako noon ng aking ama na huwag masyadong magdilig upang masanay ang halaman sa tagtuyot."

‘‘Parang tao,’’ sabi ko.

‘‘Tama at gaya ng ilan na laki sa layaw hindi sila nagkaroon ng malalim na ugat. Kayat kapag bumayo ang hangin at nagkaroon ng tagtuyot, sila ang unang nalalagas. Kaya ang kinaiinisang kugon ay may mensaheng hatid."

ALAM

ANO

ISA

ISANG

KAPAG

KUGON

MAHIRAP

TAMA

TATA POLONIONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with