^

PSN Opinyon

Ang babaing naglingkod

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA salaysay ni Lukas (Lk: 8:1-3) sinabi niyang si Jesus ay naglilibot sa iba’t ibang bayan. Ipinapahayag niya ang mabuting balita na ang paghahari ng Diyos ay dumating na sa mundo. Binanggit ni Lukas ang 12 alagad bilang mga katulong ni Jesus sa kanyang misyon. Subalit binanggit din niya ang mga kababaihan at ang kanilang papel na ginampanan. Ang mga ito ang naglingkod sa pangangailangan ni Jesus at ng mga alagad. Pagkatapos na mabuhay na muli si Jesus, ang mga kababaihan ang una niyang mga sugo upang ipahayag sa iba na ang Panginoon ay nabuhay na ngang muli.

‘‘Hindi nalaunan, nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon. Nangangaral siya at nagtuturo ng Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Kasama niya ang labindalawa at ilang babaing pinagaling niya sa masasamang espiritu at mga karamdaman: Si Maria na tinatawag na Magdalena (mula sa kanya’y pitong demonyo ang pinalayas); si Juanang asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes; si Susana at marami pang iba. Ang ari-arian nila ang itinustos nila sa pangangailangan ni Jesus at ng kanyang mga alagad.’’


Sa kasaysayan ng buhay ni Jesus, isinama niya ang mga kababaihan bilang mga katulong o alalay sa kanyang misyon ng pagpapahayag ng paghahari ng Diyos. Pinarangalan niya sa pamamagitan ng paghingi at pagtanggap sa kanilang paglilingkod sa mga pisikal nilang pangangailangan. Anupa’t ang mga kababaihan ang mainam na tagagawa ng kanilang mga kinakailangan tulad ng pagluluto ng kakainin, at iba pa.

Sa Simbahang Katolika sa kasalukuyan, ang mga kababaihan ay nabigyan ng katungkulang maglinis ng altar at umawit sa koro. Subalit ang katotohanan ay: Mula ng Vatican II at sa Ikalawang Konsilyo Plenaryo ng Pilipinas 10 taon na ang nakaraan, ang mga kababaihan ay may mahahalagang papel na ginampanan sa pagtatalakayan at pagsasakatuparan ng mga dikreto ng naturang Konsilyo Plenaryo. Ang mga laiko, lalo na ang mga kababaihan, ay nasa mga sitwasyon kung saan mabisa nilang maipapahayag ang paghahari ng Diyos. Kailangan ni Jesus ang mga kababaihan ngayon, gaya ng kanyang pagpili at pagsugo sa kanila noon upang ipahayag ang paghahari ng Ama.

DIYOS

IKALAWANG KONSILYO PLENARYO

JESUS

KABABAIHAN

KONSILYO PLENARYO

LUKAS

MABUTING BALITA

SA SIMBAHANG KATOLIKA

SI MARIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with