^

PSN Opinyon

Mapo-foreclose ang lupa at bahay

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay dating empleyado ng isang kompanya dito sa Metro Manila. Nang magkabawasan ng empleyado isa ako sa natanggal. Dahil doon, hindi ako nakapagbayad ng buwanang amortisasyon sa aking Pag-IBIG housing loan. Kamakailan nakatanggap ako ng sulat mula sa Pag-IBIG na ipo-foreclose na raw ang aking bahay.

Hindi ko alam kung paano malulutas ang problemang ito. Mayroon akong isang anak na nagtatrabaho, miyembro rin siya ng Pag-IBIG. Nasabi ko ang problema kong ito sa kanya at sinabing kung maaari ay siya na lamang ang magbabayad ng buwanang hulog sa Pag-IBIG. Maaari kaya ito? – Mr. Yu


Kung nakatanggap ka ng foreclosure notice mula sa Pag-IBIG, maaari kang sumangguni sa pinakamalapit na Pag-IBIG office. Sa pamamagitan ng pag-restructure ng loan balance, maaaring hindi matuloy ang foreclosure ng iyong lupa at bahay. Sa ilalim ng Penalty Condonation Law, hindi na babayaran ang penalties ng utang.

Kung miyembro ng Pag-IBIG ang iyong anak ay maaari niyang bayaran ang natitira mong utang.
* * *
Sa mga nagnanais sumulat, maaaring ipadala ang inyong liham sa Office of the Chairman, HUDCC, 6th Floor Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City. Pakibanggit lamang kung ipalalathala sa column na ito.

vuukle comment

DEAR SEC

FLOOR ATRIUM BLDG

IBIG

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

METRO MANILA

MIKE DEFENSOR

MR. YU

OFFICE OF THE CHAIRMAN

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with