Malapit na raw makatikim ng ginhawa ang mahihirap nating kababayan. Aniyay nagtamo ang bansa ng 5.2 percent economic growth" sa unang pitong buwan ng taong ito.
"Our inflation and interest rates are at historic lows. Our exports are up by 23 percent, while our imports grew by 20 percent," anang Pangulo.
Hindi naman sa akoy skeptical o nagdududa. Ngunit paano mo maipauunawa ang mga technical economic terms na ito sa mga mamamayang kumakalam ang sikmura? Sa mga taong may hanapbuhay ngay kapus naman ang kinikita dahil sa sobrang mahal ang mga bilihin?
Sa nakalipas na mga araw, ilang ulit nagtaas ang presyo ng petrolyo? Umaangal na nga ang sektor sa transportasyon. Ibig nang taasan ang pasahe. Nagbabadya pa ang krisis sa langis sa paggigirian ng Amerika at Iraq.
Idagdag pa ang malaking bilang ng mga Pilipinong datiy nagtatrabaho sa Malaysia na pinabalik ng Pilipinas dahil sa ilegal. Ipatong ang bilang ng mga Pinoy OFWs sa Middle East na maaaring ibalik din sa bansa dahil sa namumuong sigalot sa naturang rehiyon.
Mantakin ang tataas na antas ng unemployment!
Hindi natin sinisisi ang administrasyon. These are the painful realities of our time. Hindi lang Pilipinas ang apektado ng krisis kundi ang buong daigdig.
Ang punto ko, the government must stop painting a rosy picture of our future. Makabubuting ipaunawa sa mamamayan ang tunay na situwasyon. Isang kalagayang tag-hirap. Wika nga lets call a spade a spade.
Theres need to make the people aware of the dire situation para magkaisa at magtulungan lahat.
Kung gagawa ang administrasyon ng magagandang pangako at mabigong maihatid ito, ang Presidente ay mabubuntunan ng sisi kahit hindi siya dapat sisihin.
Para sa isang maralita, ang sukatan ng magandang ekonomiya ay hindi GNP, GDP, mababang inflation at kung anu-ano pang terminong teknikal na hindi maunawaan ng karaniwang mamamayang hindi naman nakikinabang sa mga sinasabing progresong iyan.
Ang masiglang ekonomiyay sinusukat ng mararalita sa pagkaing nakahapag sa kaniyang mesa. Sa dami ng kalakal na nabibili ng kaniyang sandaang piso. Sa kakayahan niyang itaguyod ang pag-aaral ng mga anak. Sa kanyang access sa mga basic services tulad ng tubig, kuryente, pangkalusugan at marami pang iba.
Ang magandang pangako ay may panandaliang epekto. Maaaring makumbinsi mo sa una ang taumbayan. Pero kapag nabigo ka sa iyong ipinangako, habambuhay ka nang mawawalan ng kredibilidad.
At mahalaga ang kredibilidad ng isang namumuno.