Editoryal - Ipit na naman sa giyera ang Pinoy
September 13, 2002 | 12:00am
KAPAG may pakikipag-giyera ang mga Kano, tiyak na kasama ang mga Pinoy. Noon pa man ay ganyan na ang nangyayari. Walang ipinagkaiba ngayon na malubha na ang tensiyon sa pagitan ng US at Iraq. Kahit na sabihin ni President Gloria Macapagal-Arroyo na hindi naman makikisama ang Pilipinas sa digmaan ng US at Iraq, malinaw na ang pagpapagamit ng air space ay bahagi na ng pakikisimpatya. Bakit kailangan pang ilingid na bahagi ng US ang Pilipinas kapag napasabak sa kaguluhan?
Ang masakit nga lamang, mas maraming bagay na mawawala sa Pilipinas kapag nakikipag-giyera ang US. Mas mariin ang hampas sa mga Pinoy kapag nagbakbakan na. At sa dakong huli, napapabayaan ang mga Pinoy ng kaibigan kunong US. Nangyari na yan noong World War II, maraming Pinoy ang nagbuwis ng buhay para tulungang makipaglaban ang mga Kano, pero sa dakong huli ay api-apihan pa rin sa pagkuha ng benepisyo. Hindi parehas ang pagbibigay ng US sa mga Pinoy na nakipagpukpukan sa kalaban.
Ngayoy kakaibang pakikipaglaban na naman ang hinaharap ng US at kaladkad na naman ang mga Pinoy. Nakita na kasi ng mga Kano kung paano lumaban ang mga Pinoy, walang atrasan. Paglaban sa terorismo ngayon ang hinaharap ng US. Sumiklab ng pabagsakin ng mga terorista ang World Trade Center noong September 11. May bahagi si Saddam Hussein ng Iraq sa paghahasik ng terorismo sa US. Sumusuporta ito sa international terrorist na si Osama bin Laden. Ang pagdurog sa Iraq ang pinapangarap ngayon ng US.
Hindi na makapapalag ang Pilipinas sa pagkakahawak ng US at kahit saang larangan ng digmaan ay kakaladkarin. Nariyan na yan. Ang mabuting magagawa ng pamahalaan ay ang pag-secure sa kalagayan ng mga Pinoy workers sa lugar na tatamaan ng digmaan. Sa Iraq ay may 118 Pinoy workers. Siguruhin ang maayos nilang pag-alis doon.
Sa mga bansang malapit sa Iraq, gaya ng Saudi Arabia at Kuwait ay marami ring mga Pilipino. Ngayon pa lamang ay pagplanuhin nang mabuti ang gagawin upang matiyak ang kanilang kaligtasan. Nang sumiklab ang Gulf war noong 1991, maraming Pinoy ang dumanas ng hirap nang maging palpak ang gobyerno sa paglilikas sa kanila. Marami ang naipit sa giyera. Ayon sa mga OFW sa Saudi Arabia at Kuwait, mas nauna pang nagsialisan ang mga opisyal ng Philippine Embassy at iniligtas ang mga sarili kaysa sa mga kababayan.
Hindi na dapat maulit ang ganoong pangyayari.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended