^

PSN Opinyon

Editoryal - Pagbayarin ang mga illegal recruiter

-
KARAMIHAN sa mga itinapong Pinoy sa Malaysia ay biktima ng mga ganid na illegal recruiter. Ayon sa salaysay ng mga deportee, nalinlang sila ng mga taong nangako sa kanila na maganda ang magiging trabaho sa Malaysia. Malaking pera ang kanilang ibinayad para makarating sa Sabah subalit pagdating doon ay kalbaryo pala ang kanilang daranasin. Hinuli sila ng mga awtoridad at natuklasang niloko sila ng ahensiyang nangangalap ng trabahador. Mas matindi ang naranasan nila sa kulungan sapagkat kulang na kulang ang ibinibigay sa kanilang pagkain. Kailangan pa nilang magmakaawa para makakakin. Bukod doon, hinahataw sila ng yantok sa likod.

Biktima rin ng illegal recruiters ang ilang kababaihan na ang ilan ay menor-de-edad pa. Dinaya ang kanilang edad para makapasok sa Malaysia. Pinangakuan din ng trabaho at malaking suweldo. Pagdating sa Malaysia ay kalbaryo pala ang babagsakan sapagkat nasadlak sa mga bahay-aliwan. Ayon sa report, karamihan sa mga kababaihan ay nabiktima ng mga illegal recruiter at umaming matagal silang tago nang tago sa Sabah at iba pang lugar sa Malaysia. May 400,000 ilegal Pinoy umano sa Malaysia. Marami na ang sapilitang pinatapon sa Pilipinas mula pa noong Pebrero ng kasalukuyang taon.

Ang mga illegal recruiter ang dapat isunod na durugin ng gobyerno ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Kung nagawa ni Mrs. Arroyo na magparada ng kidnaper, holdaper at iba pang mga halang ang kaluluwa, bakit hindi ang isunod niya ay mga illegal recruiter. Marami na silang nalinlang at kung hindi magkakaroon ng puspusang pagputol sa kanilang mga sungay, madadagdagan pa ang kanilang mabibiktima. Marami pa silang mahuhuthutan ng pera.

Kamakalawa’y nagbanta ang Israel at Italy na ipade-deport din nila ang mga ilegal Pinoy sa kanilang bansa. Marami ring naging biktima ng illegal recruiter doon at nagtatago sa mga awtoridad. Hindi kaya ang nangyari sa Malaysia ay maging katulad din sa mga nabanggit na bansa? Hindi na dapat maulit ang nangyari sa Malaysia na nawalan ng dangal ang mga Pinoy.

Pagbayarin ang mga illegal recruiter. Patawan ng mabigat na parusa. Walang ipinagkaiba ang mga illegal recruiter sa mga kidnaper, holdaper, at drug trafficker. Ang mga illegal recruiter ay matakaw at walang kabusugan sa pagsipsip ng dugo ng kababayan. Hindi sila nararapat sa lipunang ito.

vuukle comment

AYON

ILLEGAL

KANILANG

MALAYSIA

MARAMI

MRS. ARROYO

PINOY

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RECRUITER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with