Ayon sa aking bubuwit, 108 days na lang at Pasko na naman.
Happy birthday muna kay Monching Elgario, LTO Chief Aureo Costales ng Angono, Rizal; Jun Durante, Annie Macatangay Gorgonio at Mercy Maloles.
Ayon sa aking bubuwit, kung meron nang mga dayuhang pokpok na rumarampa sa Makati, Manila at Quezon City, ang mga ito ay nakarating na rin pala sa ibang siyudad sa bansa.
Ang mga ito ay para palang mga hot cake na mabiling-mabili sa Cebu City. At maniniwala ba kayo na bagsak presyo pala ang mga dayuhang pokpok?
Dahil sa kahirapan ngayon ay mababa na rin ang presyo ng mga ito para sa short time o overnight na aliw.
Ang mumura naman niyan?
Kahit mas mahal ng isang libong piso, mas gusto ng mga manyakis na businessmen sa Cebu ang mga forenger kasi ibang putahe naman daw.
Mga walanghiya kayo! Ingat lang baka dapuan kayo ng AIDS.
Hindi pala masyadong mabenta ang mga Koreana at yung mga Brazilians kasi maiitim din daw at parang mga Pilipina rin. Mas mabili ang mga Russian pokpok sapagkat sila ay mestiza at mga blonde pa.
Ayon sa aking bubuwit, ang mga dayuhang pokpok ay nakikita sa mga sikat na club, sa mga hotel at maging sa mga beach resort tulad ng Tambuli.
Ang mga may contact pala sa mga ito ay mga businessmen.
Kaya kung gusto nyong makatikim ng forenger na putahe mga damuho kayo, magtanong kayo diyan sa mga Fil-Chinese businessmen sa Cebu City.