^

PSN Opinyon

Huwag abusuhin ang people power

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NAUUSO ngayon ang pagpi-people power sa mga tanggapan ng gobyerno. Kapag ayaw sa namumuno ng departamento kaagad na naglulunsad ng mga kilos protesta ang mga empleyado hanggang sa mapilitang magbitiw at mapatalsik ang inirereklamong opisyal.

Noong Hulyo 2001, napilitang magbitiw bilang chairman ng SSS si Vitaliano Nañagas pagkaraang mag-rally ang mga empleyado. Hindi umano maganda ang pamamalakad ni Nañagas at payag din itong isapribado ang SSS.

Kilos-protesta rin ang dahilan ng pagbibitiw nitong nakaraang Agosto nina Raul Roco bilang DepEd Secretary at Rene Bañez bilang BIR commissioner.

Totoong ang kilos protesta ay bahagi ng democratic system subalit ang karapatang ito ay hindi dapat inaabuso. Kapag hindi nagustuhan ang pamamalakad at reporma ng isang opisyal ay people power na kaagad ang pangontra ng mga empleyado. Sa dakong huli ang serbisyo publiko ang apektado.

Dapat nilang isipin na sila’y mga public servant at ang suweldo nila ay galing sa mamamayan. Sa puntong ito hiningan ng BANTAY KAPWA ng opinyon si Civil Service Commissioner Karina David na nagsaad na maliwanag sa Konstitusyon na karapatang magsagawa ng mga rally subalit meron itong limitasyon at hindi dapat na maantala o ma-disrupt ang paglilingkod sa mga mamamayan ng mga taong gobyerno.

Isipin nila na ang taumbayan ang nagpapasuweldo sa kanila sa layuning sila’y maglingkod at hindi mamerhuwisyo.

vuukle comment

AGOSTO

CIVIL SERVICE COMMISSIONER KARINA DAVID

DAPAT

ISIPIN

KAPAG

NOONG HULYO

RAUL ROCO

RENE BA

VITALIANO NA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with