^

PSN Opinyon

Hirit ni Gringo at Sapatos ni Drilon

- Al G. Pedroche -
MAPHILINDO (Malaysia, Philippines, Indonesia) at SEATO (Southeast Asia Treaty Organization): Mga samahang naitatag noong dekada singkuwenta at seisenta. Nangabuwag na’t napalitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ang layunin ay pagbuklurin ang mga bansa sa Timog Silangang Asya. Magtutulungan at magkakaisa sa harap ng mahigpit na kompetisyon sa mga dambuhalang ekonomiya ng Western World.

Baguhin man ng libong ulit ang pangalan, kung may bansang hindi tumutupad sa layunin nito, walang silbi ang organisasyon.

Ang adhikain ng pagkakapatiran ay hantarang nalabag sa harap ng deportasyon ng pamahalaan ng Malaysia sa mga tinatawag na illegal aliens.

Hindi yung deportasyon per se, ang dapat kondenahin kundi ang masahol pa sa hayop na pagtrato ng mga Malaysian authorities sa mga ipinatatapong ilegal na dayuhan. Hinahataw, sinisipa, sinasampal. Walang sinisino matanda man o bata.

Kahit buntis ay tinatadyakan nang walang pakundangan.
May mga Pilipina pa umanong ginahasa ng mga Malaysian police bagaman at ito’y pinabubulaanan ng mga awtoridad sa naturang bansa. Sino nga ba ang aamin sa pagkakasala?

Payo ni Sen. Gregorio Honasan, makipag-ugnay si Presidente Arroyo sa mga Southeast Asian leaders at talakayin ang pagpapatalsik sa Malaysia mula sa samahan. Aniya, nilabag ng Malaysia ang "good neighbor policy" ng ASEAN.

Dapat ikonsidera ang rekomendasyon ni Gringo lalo pa’t hindi lamang Pilipinas ang binigyan ng shabby treatment sa ginawang deportasyon ng mga undocumented aliens kundi maging ang Indonesia na isa ring kasaping bansa ng ASEAN.

Pero, tsk, tsk... bakit nga ba ganyan kasalaula ang pagtrato sa ating mga Pinoy sa ibang bansa?

Isyu
(o i-shoe) ang karanasan sa San Francisco International Airport ni Senate President Franklin Drilon. Hindi nirespeto ang kanyang pagiging Senador ng isang kaalyadong bansa. Itinuring siyang ordinaryong pasahero. Pinaghubad ng sapatos bilang bahagi ng random security check.

Sa pagkaalam ko, may special dispensation ang mga dignitaryo na kumakatawan sa alin mang bansang kakampi ng Amerika as a matter of protocol. Hindi na ang pagkatao ang dapat igalang kundi ang Inambayan.

Talagang pangit na at napakababa ng tingin sa atin ng mundo. Sabi nga ni Brat Pig: "In Malaysia they shoo Filipinos away. In America, they un-shoe them. hiks-hiks-hiks!"

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

BRAT PIG

GREGORIO HONASAN

IN AMERICA

IN MALAYSIA

PRESIDENTE ARROYO

SAN FRANCISCO INTERNATIONAL AIRPORT

SENATE PRESIDENT

SOUTHEAST ASIA TREATY ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with