^

PSN Opinyon

Ibalik ang dangal ng mga Pinoy

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
NAGPADALA ng isang grupo ng mga opisyal si President Gloria Macapagal-Arroyo sa Malaysia upang harapin ang problema ng 80,000 natitira pang mga Pilipino na ipinababalik sa ating bansa. Ang grupo ay pinangungunahan ni dating Tawi-Tawi Rep. Nur Jaafar.

Sinabi ni Jaafar na ang kanilang misyon ay upang makita ang totoong kondisyon ng mga lugar kung saan nakakulong ang mga Pilipino deportees nang sa gayon ay makipag-ugnayan sila sa mga awtoridad ng Malaysia na mabigyan ng karapat-dapat na pangangalaga ang ating mga kababayan.

Ang aksyon ni GMA ay upang hindi na maulit ang karanasan ng mga naunang grupo ng deportees na dumanas ng iba’t ibang uri ng kalupitan at kalapastanganan sa kamay ng mga Malaysians. May 13 bata ang namatay at mahigit na 50 mga bata at mga matatandang kababayan natin ang hanggang ngayon ay nararatay pa sa karamdaman at pagdadalamhati.

Hindi lamang ngayon naganap ang pagmamalabis sa mga Pilipino na nangibang-bayan upang maghanapbuhay. Nangyari na ito kay Flor Contemplacion. Hindi na mabibilang ang mga pangyayaring katulad nito sa Saudi Arabia at iba pang bansa na pinamumugaran ng mga overseas Filipino workers, immigrants, documented o undocumented.

Kung tutuusin, maiiwasan sana ng ating mga kababayan ang mga pasakit kung hindi na sila kailangan pang mangibang-bansa pa upang maghanap ng ikabubuhay. Ito ang dapat na matagal nang hinarap ng mga namumuno ng ating bansa. Hindi na maitatanggi na ito ang tanging paraan upang tunay na umunlad ang ating bansa at mapanatili natin ang dangal ng bawat Pilipino.

FLOR CONTEMPLACION

JAAFAR

NANGYARI

NUR JAAFAR

PILIPINO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SAUDI ARABIA

TAWI-TAWI REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with