^

PSN Opinyon

Editoryal - Tapusin na ang Sayyaf!

-
KAHIT napatay na ng military ang isa sa mga lider ng Abu Sayyaf buhay pa rin ang grupo. Pansamantala lang tumigil sa pangingidnap nang mapatay si Abu Sabaya noong June. Noong Martes, walong Pilipino ang kanilang kinidnap sa Patikul, Sulu. Lima sa mga hostages ay babae at tatlo ang lalaki. Ang mga kinidnap ay mga preacher ng Jehovah’s Witnesses, ayon sa military. Dalawa sa mga hostage ang pinugutan na umano ng ulo. Nakilalang sina Lemuel Mantolo at Leonil Mantic.

Hindi pa tapos ang pagsasabog ng lagim ng mga bandido. Ang pagkakapatay kay Sabaya ay hindi hadlang para ipagpatuloy ang pangingidnap, pagpatay at panggagahasa. Marami nang pininsala ang mga bandido at kumita na nang limpak na dollar mula pa nang dukutin ang 21 dayuhan sa Sipadan Malaysia noong April 2000. Sunud-sunod ang ginawang pangingidnap at ang pinaka-kontrobersiyal ay nang dukutin ang mga Pinoy at tatlong Amerikano sa Puerto Princesa, Palawan noong nakaraang taon. Ang dinukot ay ang mag-asawang Martin at Gracia Burnhams at si Guillermo Sobero. Si Sobero ay pinugutan ng ulo noong June 12 ng nakaraang taon. Napatay naman si Martin nang tangkaing iligtas ng military noong nakaraang May. Nailigtas naman si Gracia.

Bago ang pangingidnap at pagpatay, marami nang pinugutang kapwa Pinoy ang mga bandido. Pati mga babae ay hindi pinatatawad at tinatapyasan muna ng suso bago patayin. Pati Katolikong pari ay hindi kinaawaan at binunutan muna ng mga kuko bago pinatay. Ang Abu Sayyaf ay nakakukuha ng suporta at pera sa Al-Qaeda movement ni Osama bin Laden.

Nagsasabog na naman ng lagim ang mga bandido at marami na naman ang natatakot. Maski ang mga dayuhan ay hindi na nagnanais magpunta rito sa takot na makidnap.

Kung nagawa ng military na napatay si Sabaya, bakit hindi ito magawa sa mga lider na si Ghalib Andang alias Commander Robot, Radulan Sahiron at Khadaffy Janjalani. Kapag nawala na ang mga lider na ito, tiyak na hihina na ang mga bandido. Ang ugat ay dapat bunutin para hindi na tumalbos at magsanga pa. Hindi na dapat magtagal pa ang mga masasamang ugat na sagabal kay President Gloria Macapagal-Arroyo sa pagtatayo ng matatag na republika. Tapusin na ang Abu Sayyaf!

vuukle comment

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ANG ABU SAYYAF

COMMANDER ROBOT

GHALIB ANDANG

GRACIA BURNHAMS

GUILLERMO SOBERO

KHADAFFY JANJALANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with