^

PSN Opinyon

Ang pag-akyat kay Maria sa langit

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
BUKAS ay ipagdiriwang ng Simbahang pandaigdigan ang kapistahan ng pag-akyat kay Maria sa langit o ang Asuncion. Maraming kababaihan ang pinangalanang ‘‘Asuncion’’ bilang parangal kay Maria. Ngunit ang mahalaga para sa atin ay ang maunawaan ang kahulugan at kabuluhan ng misteryong ito: Na si Maria ang ina ni Jesus ay iniakyat sa langit. Ang kanyang katawan ay ligtas mula sa anumang pagkabulok o pagkaagnas. Hindi maaaring mabulok ang kanyang katawan. Ginapi niya ang kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesus na matagumpay na nabuhay na muli laban sa kamatayan.

Kasama ni Jesus, si Maria ngayon ay maluwalhating namamayani sa langit bilang Reyna at Ina ng langit at lupa. Ang pangyayaring ito ay ating pinagninilayan kapag dinadasal natin sa rosaryo ang ikaapat na misteryo ng luwalhati. Sa kanyang awiting Magnificat, sinasabi ni Maria na ang Makapangyarihang Diyos ay gumawa sa kanya ng mga dakilang bagay.

Subalit ngayon dapat nating tanungin ang ating mga sarili: Ano ang kabuluhan ng pag-akyat kay Maria sa langit para sa ating mga Kristiyano? Una, tayo’y binibigyang-kasiguruhan sa pamamagitan ng ating pananalig na tulad nina Jesus at Maria. Tayo rin ay naitakdang mabuhay na muli sa kaluwalhatian pagkatapos ng ating panlupang kamatayan. Ang ating katawan ay mabubulok sa ating pagkamatay. Subalit mabubuhay tayong muli sa wakas ng panahon. Tayo’y makikibahagi sa kaluwalhatian ni Jesus, ang ating Tagapagligtas at ni Maria ang ating ina.

Ikalawa, dapat nating ipakita ang ating malaking paggalang at pagpapahalaga sa ating katawan. Ito ay handog ng Diyos sa atin. Sa pamamagitan ng ating katawan at ng ating mga pandama, ipinahahayag natin ang mga iniisip at kahalagahan. Ipinapahatid natin ang mga nadarama at pagmamahal. Sa pamamagitan ng ating mga mata, nakikita natin ang kagandahan. Sa pamamagitan ng ating mga tainga, nakakapakinig tayo ng musika. Nadidinig natin ang mga salita. Nauunawaan natin ang iba. Inuulit ko, dito sa lupa hindi tayo mabubuhay nang matagal. Tayo ay mamamatay. Subalit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, tayo ay nakikipagtulungan sa kanya sa ating paglago upang makamtan natin ang anumang panlupang kaganapan. May pasasalamat na isinasagawa natin ang ating pang-araw-araw na gampanin habang tinitingnan ng Diyos ang ating paglago sa bawat araw.

Sa buhay na ito, ang katawan ay may hangganan. Subalit sa kabilang buhay, ito ay magpakailanman.

ANO

ASUNCION

ATING

DIYOS

MAKAPANGYARIHANG DIYOS

MARIA

NATIN

SUBALIT

TAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with