Parliamentary o presidential na gobyerno?
August 8, 2002 | 12:00am
NABUBUHAY muli ang mga mungkahing susog sa Saligang Batas ng Pilipinas. Isa sa pangunahing isyu ng pagbabago ay ang porma ng pamahalaan mula presidential form patungong parliamentary form. Isa ito sa dapat bigyan ng pangunahing importansiya ng mga mambabatas.
Sa isang parliamentaryong pamahalaan, maraming positibong istruktura ng pamamahala ang maitatatag. Ang miyembro ng parliyamento na gumagawa ng batas at mga policies ay siya ring miyembro ng Gabinete. Dahil alam nila kung paano patakbuhin ang pamahalaan at mayroon silang direktang karanasan sa pamamahala, alam din nila ang mga problema, at mga pagbabago na dapat gawin sa batas. Mas magiging makabuluhan at detalyado ang mga batas na maipapasa.
Ang lehislatura ay magiging unicameral na lamang. Mas mabilis maipasa ang mga batas dahil mababawasan na ang proseso. Hindi tulad ng bicameral congress na dadaan pa sa bicameral committee, ang unicameral o iisang Kongreso ay mas mabilis. Kung minsan, dahil magkaiba ng lubusan ang produkto ng dalawang Kongreso, kapag pinagsama na ang mga probisyon, nagiging mas hilaw. Nawawala tuloy ang intensiyon ng bawat Kongreso noong ipinasa nila sa kani-kanilang sangay ang batas. Sa unicameral congress, kung ano ang ipinagdebatehan at kung ano ang ipinasa, iyon na ang batas.
Pang-huli, bawas ang gastusin ng gobyerno dahil mas kakaunti ang mambabatas. Mas kaunti ang mga opisina at kaunti rin ang pasusuwelduhin. Bawas na rin ang pork barrel. Malaki ang matitipid sa budget ng pamahalaan.
Sa halos lahat ng angulo, pabor sa Pilipinas ang parliamentary form of government.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest