'Indirect contempt' kay Atty. De Vera
August 4, 2002 | 12:00am
BINIGYAN ng Korte Suprema ng verdict na indirect contempt si Atty. Leonardo De Vera sa isyung legal ba ang pagnanakaw ng pera ng bayan na humigit P50 milyon.
Ininterview si Atty. De Vera ng isang pahayagan at nagsabi raw ito ng salitang nag-iimpluwensiya sa mga hukom na sa sandaling iyon ay hindi pa nagbibigay ng kanilang hatol sa isyung legal.
Ano ba naman ito? Bakit naman napakababaw ng mga kagalang-galang na hukom? May sarili naman silang isip at kung lahat ng mga pahayagan ay papansinin masisira siguro ang ulo natin.
Hindi maiintindihan ng taumbayan kung bakit nahatulan ng indirect contempt si Atty. De Vera. Sa aking pananaw, malabo at hindi matatanggap ng ating mga kababayan ang kaisipan ng mga hukom.
Nandoon na ako na hindi absolute ang freedom of speech ngunit bakit naman paparusahan ang isang tao na hindi naman maaaring baguhin ang kaisipan ng mga hukom.
Kayo na ang humatol.
Mabuhay ang VACC sa ika-4 na taong pagkakatatag nito. Maligayang bati sa mga 2001 VACC awardees na tumulong sa kaso ng mga VACC members. Maraming salamat sa mga panauhin at kaibigan ng VACC na dumalo sa seremonyas kahapon.
Para sa mga katanungan o mga hinaing, iparating lamang ito sa [email protected] o tumawag sa opisina ng VACC sa tel. no. 525-9126 loc. 13/20 at 21 at Telefax 525-6277.
Ininterview si Atty. De Vera ng isang pahayagan at nagsabi raw ito ng salitang nag-iimpluwensiya sa mga hukom na sa sandaling iyon ay hindi pa nagbibigay ng kanilang hatol sa isyung legal.
Ano ba naman ito? Bakit naman napakababaw ng mga kagalang-galang na hukom? May sarili naman silang isip at kung lahat ng mga pahayagan ay papansinin masisira siguro ang ulo natin.
Hindi maiintindihan ng taumbayan kung bakit nahatulan ng indirect contempt si Atty. De Vera. Sa aking pananaw, malabo at hindi matatanggap ng ating mga kababayan ang kaisipan ng mga hukom.
Nandoon na ako na hindi absolute ang freedom of speech ngunit bakit naman paparusahan ang isang tao na hindi naman maaaring baguhin ang kaisipan ng mga hukom.
Kayo na ang humatol.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest