^

PSN Opinyon

Ramdam ni Jesus ang pagkabalisa ng mga tao

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG gutom ay napakahapding kalagayan. Sa kasalukuyan, naririnig at nababalitaan natin na libu-libong tao sa Africa ang dumaranas ng gutom. Dito rin sa Pilipinas, may mga taong nagugutom. Wala silang sapat na makain.

Ramdam ni Jesus ang gutom na ito. Pasukan natin ang kanyang pakiramdam para sa mga taong nagugutom. Isinalarawan sa atin ni Mateo ang pangyayaring iyon (Mt. 14:13-21).

‘‘Nang marinig ito ni Jesus, siya’y sumakay sa isang bangka at nag-iisang pumunta sa isang ilang na lugar. Nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, sila’y lumabas ng bayan at lakad na sumunod sa kanya. Paglunsad ni Jesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong yaon. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila.

‘‘Nang dapithapon na’y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, Ilang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Papuntahin na po ninyo sa mga nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain.’ ‘Hindi na sila kailangang umalis pa,’ sabi ni Jesus. ‘Kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.’ Sumagot sila, ‘Lilima po ang tinapay at dadalawa ang isda natin.’ ‘Dalhin ninyo rito,’ sabi niya. Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao, kinuha ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at sila’y nakapuno ng labindalawang bakol ng pira-pirasong tinapay. May 5,000 lalakI ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata.’


Dama ni Jesus ang gutom ng mga tao, lalo na ng mga bata. Hindi nakibahagi ang mga alagad sa nadaramang habag ni Jesus. Mas nais pa nilang pahanapin ang mga tao ng sari-sarili nilang makakain.

Walang masyadong kailangan si Jesus. Limang tinapay at dalawang pirasong isda ay sapat na upang magsimula. At kinuha niya ang mga ito. Binasbasan. Pinagpira-piraso ang mga tinapay at kanyang ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi. Tiyak na kay laking pagtataka ng mga alagad na habang kanilang ipinamamahagi ang mga tinapay at isda ay dumadami naman ang mga ito.

Hindi lamang iyon. Nang ang lahat ay makakain at mabusog na, nakatipon pa sila ng 12 bakol ng pira-pirasong tinapay. Ang pagkabukas palad ng Diyos! Ang pananalig kay Jesus ay tunay na nakapagbibigay-lakas at kapangyarihan.

ALAGAD

BINASBASAN

DALHIN

DIYOS

JESUS

NANG

PINAGPIRA

TAO

TINAPAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with