Kamoteng fraternity sa Tondo

TIYAK na pangangalagaan ni WPD bossing Pedro Bulaong ang mga estudyante ng Lakandula, Osmeña, Laurel at Torres High School sa Gagalangin, Tondo laban sa mga gagong miyembro ng "tribu-kamote" porke walang ginawa ang mga ito kundi ang manakot, mambugbog, mangikil at mangholdap ng mga estudyante na kanilang kinukursunada sa mga nabanggit na eskuwelahan.

Siniguro ni Bulaong sa mga kuwago ng ORA MISMO ang seguridad ng mga estudyante para malayo sa kapahamakan sa kamay ng mga gagong miyembro ng "tribu-kamote".

Malimit makita ang mga kamoteng miyembro ng tribu-kamote sa isang tindahan sa may kanto ng Cavite at Fernandez, diyan sa Gagalangin.

Mga babae’t lalaki ang mga miyembro ng gagong "tribung-kamote" na walang ginawa kundi ang maghasik ng lagim sa mga nasabing eskuwelahan.

Karamihan sa mga ito ay lulong sa pinagbabawal na gamot kaya’t walang ginawa kundi ang mamerwisyo ng mga inosenteng students.

Ilang metro lamang ang layo ng police detachment sa mga nasabing eskuwelahan kaya’t sigurado ang mga kuwago ng ORA MISMO na mababantayan ang kanilang seguridad laban sa mga "tribu-kamote".

Ang ibang students na tinatakot ng mga gagong miyembro ng "tribu-kamote" ay hindi na pumapasok sa takot na masaktan.

"Sana hindi mapako ang pangako ni Bulaong sa mga estudyante na pangangalagaan niya ang kapakanan ng mga ito laban sa mga gago," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Tiyak iyon porke nakausap nito mismo ang chief kuwago para mabigyan proteksyon ang mga bata," sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.

"Ikulong ang mga gagong miyembro ng "tribu kamote" para sa proteksyon ng mga estudyante sa Gagalangin."

"D’yan ka tumpak, lagapot."

Show comments