Ang talinghaga ng batang ibig matuto
July 27, 2002 | 12:00am
ISA lamang ang pangarap ng magsasaka sa kanyang anak na lalaki at ito ay ang makatapos ng college. Ayaw niyang matulad sa kanya ang anak. Nakaabot lamang ang magsasaka ng grade one.
Hindi niya pinagtatrabaho sa bahay ang anak upang maibuhos nito ang lahat ng oras sa pag-aaral.
Nang ang anak ay mag-graduate sa elementarya ipinasyal ito ng ama sa lungsod. Binisita nila ang ilang tanggapan ng mga opisyal ng pamahalaan at gayundin ang ilang magagandang lugar.
Inilibot din ng ama ang anak sa lugar na pinakasentro ng kalakalan. Maraming tindahan silang pinasok. Nakita nila rito ang isang binibentang computer.
Tatay, ano po ba iyong bahagi ng computer na tulad ng telebisyon? tanong ng bata.
Hindi ko alam, sagot ng ama.
Patuloy pa rin sa pagtatanong ang bata sa mga bahagi ng computer. Ano po ba ang bahaging iyon na katulad ng makinilya?
Hindi ko alam, sagot ng ama.
Humingi ng tawad ang anak at winika, Ipagpaumanhin po ninyo ang sunud-sunod kung pagtatanong, Tatay.
Sinserong sinagot ng ama ang anak, Walang anuman iyon, anak. Dapat kang magpatuloy ng pagtatanong sa akin para ka matuto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended