^

PSN Opinyon

DPWH official kumita ng malaki sa pa-golf tournament

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang maraming opisyal sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagalit sa isang opisyal din ng kanilang departamento?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Atty. Rolly Arce ng Sasmoan, Pampanga; Mark Manalac at Rodney Macahis ng Ibank.
* * *
Alam n’yo bang meron din palang kontrobersiya sa DPWH tungkol sa golf tournament?

Ayon sa aking bubuwit, kung nagkaroon ng kontrobersiya sa nakatakdang pa-golf tournament sana ng Supreme Court sa Wack-Wack Gold Club, nagkaroon din ng kontrobersiya sa DPWH sapagkat maraming opisyal ang nagalit sa kanilang Bossing.

Ang pinagkaiba lang, tapos na ang golf tournament sa DPWH samantalang sa Korte Suprema ay pinigil ni acting Chief Justice Josue Bellosillo.

Pinupuri natin dito si Justice Bellosillo sapagkat labag nga naman sa Code of Judicial Conduct ang pagso-solicit ng mga organizer ng sponsorship sa mga malalaking law firms.

Mantakin ninyo, magpapa-golf tournament ang SC pagkatapos ang mga sponsors at makakalaro nila ng golf ay ang mga abogado ng SGV, ACCRA, Siguion-Reyna at Romulo Mabanta Law Offices.

Eh di nagkalutuan na ng mga kaso.

Totoo nga kayang milyones ang bentahan ng kaso sa Korte Suprema?
* * *
Ayon sa report, ang organizer ng golf tournament sa SC ay si Administrator Presbiterio Velasco Jr.

Meron na kaya siyang na-solicit para sa tournament?

Isosoli kaya kung meron nang nakolekta?

Ayon sa aking bubuwit, iba naman ang nangyari sa DPWH ukol din sa golf tournament. Itong isang mataas na opisyal ng DPWH ay nag-organisa nga ng tournament. At upang makabili ng mga pa-raffle at mga prizes, itong enterprising na opisyal ay nangolekta sa mga regional directors.

Dahil sipsip naman sa Bossing ang mga regional directors, siyempre nagbigay sila ng medyo malaking halaga. Sa madaling salita, nakakolekta ng mahigit P300,000 para sa raffle at prizes.

Ang tournament ay ginawa sa Tagaytay City.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, pagkatapos ng tournament, heto na kamo ang announcement kung sino ang mga winners. At kung anu-ano ang mga premyo sa kanilang pa-raffle. Aba, maliit lang ang premyo at saka kokonti lamang ang mga pa-raffle.

At hindi lang ’yan, mumurahin pa ang mga biniling pa-premyo.

Mantakin mo, umabot sa mahigit P300,000 ang nakolektang donation pero ang ipinamahaging premyo at mga pa-raffle ay hindi pa yata umabot sa P100,000. Ang pinakamalaking pa-raffle ay isang refrigerator at isang TV set.

Dahil alam ng mga regional directors kung magkano ang kanilang donasyon, siyempre nagalit sila sa kanilang Bossing.

Kasi niloko na sila, pinagka-kuwartahan pa.

Ayon sa aking bubuwit, ang organizer ng golf tournament sa DPWH ay walang iba kundi si DPWH Undersecretary B. as in Boogey.

ADMINISTRATOR PRESBITERIO VELASCO JR.

AYON

CHIEF JUSTICE JOSUE BELLOSILLO

CODE OF JUDICIAL CONDUCT

DPWH

GOLF

KORTE SUPREMA

TOURNAMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with