Anim na biik ang iniluwal. Pinalaki nila ang mga biik hanggang sa dumami pa sila. Bukod sa libre na sa karneng baboy ang pamilya ni Mang Emong ibinenta pa nila ang ilang patabaing baboy at silay nasiyahan sa kinita nila.
Dito naisipan ni Mang Emong na ang pagbababuyan ay hindi lamang libangan kundi hanabuhay din. Namili sya ng mga biik na nagkakahalaga ng isang P1,200. Inalagaan ang bawat biik sa loob ng limang buwan at naibebenta niya ang bawat baboy sa halagang P2,100.
Inamin ni Mang Emong na gumagastos din siya ng pagkain at bitamina ng mga alagang baboy niya ngunit malaki pa rin ang tinutubo niya kapag naibenta na ang baboy. Sabi niya ang pagbababuyan ay gaya rin ng pag-aalaga sa kanyang mga anak at apo. Nililinisan nila ang banlat o kulungan ng mga baboy na pinaliliguan tatlo o apat na beses bawat araw. Natatawa ang matandang mambababoy nang sabihin niya na mas alaga sa paligo ang mga baboy niya kaysa mga taong bihirang maligo at iyong mga tinatawag na dehins goli."