^

PSN Opinyon

Psoriasis: Nakapangilabot na sakit sa balat

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SA simula, iisipin ang psoriasis ay pangkaraniwang sakit sa balat subalit ang hindi batid ng marami, mapaminsala ito. Pangmatagalan ito at hanggang sa ngayon ay wala pa ring natutuklasang lunas. Ang ilan sa sintomas ng psoriasis bukod sa pangangati ay namumula at namamaga ang bahagi ng katawan at parang maaagnas ang balat sa dami ng nahuhulog na kaliskis habang kinakamot.

Kapag ang balat ay apektado ng psoriasis mapapansin na may dugong maliliit na lumalabas sa anit at ibang bahagi ng katawan at ito’y tinatawag na pinpoint hemorrage dahil matinding pagnipis ng balat. Ang kuko ng daliri ay mapupuna na may maliliit na (pitting nails). Ang psoriatic arthritis ay nagmumula sa mga buto ng mga daliri na nagiging clawhand at mahirap na itong gamitin.

Ayon sa batikang dermatologist na si Dr. Lucky Elayda, ang psoriasis ay heriditary o namamana subalit hindi naman nakahahawa. Sinabi ni Dr. Elayda na wala namang pagkaing bawal sa mga may psoriasis at walang specific treatment, pero maraming pamamaraan para maibsan ang hirap na dinaranas. Isa na rito ang pagpapa-araw sa umaga (mula 7-9) sa loob ng 15 hanggang 30 minuto.

Sa pakikipagpanayam ko kay Dr. Elayda, sinabi niya na mayroon siyang tinutuklas na gamot para sa lahat ng antas ng psoriasis. Sa mga may nais na makipag-ugnayan at matulungan ni Dr. Elayda matatawagan siya sa mga telepono 521-7248, 5249944 at 7310871.

AYON

BALAT

DR. ELAYDA

DR. LUCKY ELAYDA

ISA

KAPAG

PANGMATAGALAN

PSORIASIS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with