^

PSN Opinyon

Matulis na MMDA official inasembolan ang isang empleyada

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang super tulis ang isang opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA)?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Thelma Capistrano ng Malacañang, Mirriam Ortega, Don Alfonso Sy, Robin Sy at Joseph Chua ng Macro Asia.
* * *
Alam n’yo bang deadly pala sa chiching ang isang smiling face na opisyal ng MMDA?

Ayon sa aking bubuwit, kaya pala matindi ang raket ng nasabing opisyal sapagkat marami pala itong chiching.

At ang kanyang mga chiching ay na-asembolan niya ng mga baby.

Mukhang idol niya si dating President Erap Estrada. Pero, in fairness naman sa opisyal na ito ay hindi naman siya nagpapabaya sa kanyang mga obligasyon.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil naman sa dami ng obligasyon nitong MMDA official, ang dinadale naman ay ang pondo ng pamahalaan.

’Yan naman ang malungkot na parte riyan. Maghanapbuhay ka Sir nang matino at huwag mong pakialaman ang pondo ng MMDA. Huwag kang bibili ng mga supplies na mumurahin pagkatapos ay ire-reimburse mo ng napakalaki, sobra pa sa doble ang presyo.

Ayon sa aking bubuwit, ang isa pang raket ng MMDA official na ito ay nagtayo ng isang kompanya. Kasosyo niya rito ang isang Korean businessman. Ang pangalan ng kanilang kompanya ay Vine Construction.

At ang matindi rito, halos lahat ngayon ng mga malalaking kontrata ay napupunta sa kompanya ni MMDA official.

Pakisilip nga ito, Chairman Bayani Fernando, Sir.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang pinaka-latest na nakopong kontrata ng Vine Construction Co. ng nasabing opisyal ng MMDA ay nagkakahalaga ng P22-million.

Wow, pang-big-time ka talaga, Sir. Matindi talaga ang raket mo.

Pero ang matindi pa sa nasabing opisyal na ito, ’yung mga dati niyang Bossing ay dinudugasan pa.

’Yung SOP o komisyon na dapat ding pakinabangan ng iba ay sinosolo niya.

Masiba pa ang walanghiya!

Pero, basta huwag mong kakalimutan Sir yung alimony nung chiching mo sa TEC-DPWH.

Malaki na ba Sir? Sino ba ang kamukha, ikaw o si Ms. B. as in Baha.

Kumusta na Sir yung ka-date mo noon sa New World Hotel? Kasama pa ba sa listahan yun?

At yung isa pang taga-MMDA.

Grabe ka, Sir, ang tulis mo talaga.

Ayon sa aking bubuwit, ang smiling face na opisyal ng MMDA na kilabot ng mga empleyada ay walang iba kundi si...

Sabagay, hindi naman yata ito nangre-rape.

Ito ay walang iba kundi si Mr. C. as in Commissioner.

vuukle comment

AYON

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DON ALFONSO SY

JOSEPH CHUA

MACRO ASIA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MMDA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with