^

PSN Opinyon

Ano tendinitis?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
MARAHIL, ngayon n’yo lamang narinig ang salitang tendinitis. Ito ay ang pamamaga ng tendon. Ang tendon ay ang matibay at elastic white cord na binubuo ng mga bungkos ng collagen fibers na naka-attached sa muscle ng buto. This concentrates the pull of a muscle onto one point on the bone and its length and thickness varies considerably. The fibers of tendon pass into and become continous with those of the bone it serves. Maraming tendons ang nakapaloob sa membrane-lined sheats (synovial membrane) na binubuo ng synovial fluid na nagbabawas sa friction kapag kumikilos.

Ang dahilan ng tendinitis ay dahil sa excessive o unaccustomed exercise. Ang tendon ay nagkakaroon ng stress dahil dito. Gayunman, maaari ring ito ay dahil sa infection o kumplikasyon ng rheumatic o disorder ng connective tissue.

Ang sintomas ng pagkakaroon ng tendinitis ay ang kirot na mararamdaman sa paligid ng mga joint. Magkakaroon din ng pamamaga.

Ang may tendinitis ay kinakailangang magpakunsulta agad sa doktor upang mabigyan ng payo. Nararapat magpahinga ang may tendinitis. Paraan din ang paglalagay ng splint sa apektadong mga joint.

Ang pag-iinject ng steroid, paggamit ng pain killers o non-steroid anti-inflamatory drugs ay maaaring i-prescribed.

Ang paggamit ng heat or icepacks ay maaaring makatulong para mabawasan ang kirot at pamamaga. Kinakailangang iwasan ang grabeng pag-eehersisyo at iba pang physical activities at ganoon din ang stress.

DAHIL

GAYUNMAN

KINAKAILANGANG

MAGKAKAROON

MARAMING

NARARAPAT

PARAAN

TENDINITIS

TENDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with