^

PSN Opinyon

Gustong humiram ng pera sa Pag-IBIG

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Secretary Defensor,

Ako ay mahigit 10 taon nang miyembro ng Pag-IBIG. Bumili ako ng bahay at lupa noong 1995 sa pamamagitan ng housing loan sa banko. Ngayon, P500,000 na lamang ang aking utang.

Nais ko sanang malaman kung maaari akong makahiram sa ilalim ng housing loan program ng Pag-IBIG upang mabayaran ng buo ang aking utang sa banko. Posible ba ito? Mayroon bang ganitong uri ng housing loan sa Pag-IBIG? Kung mayroon man, maaari bang malaman ang mga requirements dito? – Ana ng Parañaque


Maaari kang makahiram para makapagbayad ng buo sa banko sa pamamagitan ng refinancing scheme ng Pag-IBIG. Kinakailangan lamang na ang banko ay accredited o kinikilala ng Pag-IBIG.

Ang mga requirements ay ang mga sumusunod:

1.)
Housing loan application kasama ang retrato ng manghihiram.

2.)
Income Tax Returns ng dalawang nakaraang taon;

3.)
Certificate of Employment and Compensation.

4.)
Huling payslip na natanggap;

5.)
Certified True Copy ng TCT/CCT/OCT;

6.)
Location Plan at Vicinity Map;

7.)
Photocopy ng updated Tax declaration and Tax Receipt;

8.)
Proof of billing address;

9.)
Processing free;

10.)
Purchase agreement;

11.)
Iba pang dokumento na kinakailangan sa pagproseso ng inyong loan.

Makipag-ugnayan ka sa pinakamalapit na Pag-IBIG office sa inyong lugar tungkol sa ibang detalye. Sa mga nagnanais sumulat, maaaring ipadala ang inyong liham sa Office of the Chairman, 6th Flr. Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City.

vuukle comment

ATRIUM BLDG

CERTIFICATE OF EMPLOYMENT AND COMPENSATION

CERTIFIED TRUE COPY

DEAR SECRETARY DEFENSOR

INCOME TAX RETURNS

LOCATION PLAN

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

OFFICE OF THE CHAIRMAN

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with