Editoryal - Maraming nauuhaw at nagugutom
July 14, 2002 | 12:00am
BAHAGYA lamang umano ang itinaas ng mga nagugutom na Pinoy, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS). Sa second quarter ng 2002, bahagyang tumaas sa 11.5 percent ang mga nagugutom kumpara sa 11.2 percent sa unang quarter. Kahit bahagya ang angat ng mga nagugutom, hindi ito magandang pakinggan sapagkat sa halip na bumaba ang bilang ng mga nagugutom ay nadagdagan pa ito ng tatlong porsiyento. Isang katotohanan na wala pang pagbabago sa buhay ng mga Pinoy sa kasalukuyan. Patuloy ang pagdami ng mga nagugutom at kung hindi magbabago ang takbo ng pamumuhay, baka sa third quarter ay lumobo na ang mga nagugutom. Huwag naman sana.
Ang pagkagutom ng mga Pinoy ay hindi na nakagugulantang na balita. Marami na ang nakaaalam noon pa na nagdaranas ng paghihirap ang karamihan ay mga Pinoy at nagtitiis ng gutom. Marami ang natutulog na walang laman ang kanilang bituka. Sa SWS survey, lumalabas na pinakamababa ang mga nagugutom sa Metro Manila na may 7.7 percent at pinakamataas sa Mindanao na may 13 percent.
Sa aming palagay, hihigit pa sa naitalang ulat ng SWS ang bilang ng mga nagugutom dito sa Metro Manila. Dito sa lungsod ay mas marami ang walang trabaho at mas mahal ang bilihin. Mas mahirap kumita ng pera rito at matira ang matibay ang labanan. Isang katotohanan na sa mga squatter area ay may mag-anak na dalawa o isang beses na lamang kumain. Kakain sila ng dakong alas-diyes ng umaga at uulitin iyon ng alas tres ng hapon. Nasanay na ang kanilang bituka sa ganoong sitwasyon.
Walang pagbabago sa buhay ng mga Pinoy sapagkat nadagdagan pa nga ang nagugutom. Ang survey bagamat hindi na masyadong nabibigyang pansin (lalo nang mga nagdarahop) ay maganda namang panawag-pansin sa mga lider ng pamahalaan. Ngayong nadadagdagan ang nagugutom, ang paghanap sa solusyon kung paano mahahango at mapapawi ang gutom ang dapat sanay pagtuunan ng pansin. Nakadidismaya na lumalala ang political crisis sa bansang ito at ang ganap na apektado ay ang mamamayang naghihirap.
Maraming dapat pagtuunan ng pansin ang pamahalaan unang-una na nga ang pagdurog sa kahirapan. Marami rin naman ang nauuhaw sa mga lider na magbibigay ng katuparan sa pangarap ng mga mahihirap na makaalis sa kumunoy ng kahirapan. Panahon na para gumawa ng paraan ang pamahalaan upang mapawi ang patuloy na pagkagutom.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am