^

PSN Opinyon

Nagtatanong na OFW

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Secretary Defensor,

Isa po akong OFW dito sa Macau na tagasubaybay ng Pilipino Star NGAYON. Marami po rito ang nagbabasa ng inyong kolum. Para na rin po kaming nasa Pilipinas kapag nababasa ang inyong kolum.

Isa po ako sa interesado na maging miyembro ng Pag-IBIG Overseas Program. Maaari po ba ninyo kaming padalhan ng brochure para sa akin at aking asawa?
– TWIN J

Maligayang bati sa ating mga kababayan diyan sa Macau.

Una sa lahat, kami ay nagpapasalamat sa inyong pagtangkilik sa ating kolum. Labis naming ikinakatuwa na ang Pilipino Star NGAYON kasama ang aking kolum ay inyong inaabangan araw-araw.

Tungkol sa inyong katanungan ukol sa Pag-IBIG Overseas Program, ang Pag-IBIG ay naglaan ng opisina dito sa 6th Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City upang matugunan ang mga pangangailangang pambahay ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa. Maaari pong makakuha ng application form sa nasabing opisina araw-araw maliban Sabado at Linggo. Hayaan po ninyo at magpapadala kami ng application forms diyan sa Macau na maaari rin po ninyo ibigay sa inyong mga kasamahan. Pagkatapos masagutan ang mga ito, maaari pong ang inyong maybahay ang makipag-ugnayan dito sa ating tanggapan. Kailangan lamang po ninyong gumawa ng Special Power of Attorney pabor sa inyong asawa kung nais naman po ninyong mag-avail ng housing program ng Pag-IBIG.

Sa ating mga kababayan sa Macau, Mabuhay kayo!

vuukle comment

ATRIUM BLDG

DEAR SECRETARY DEFENSOR

INYONG

ISA

MAAARI

MACAU

MAKATI AVENUE

OVERSEAS PROGRAM

PAG

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with