Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Lt. Cmdr. Jun Adaci ng Philippine Navy; Sgt. Jose Ilarde, Peter Gadi, Merlyn Cabanayan, Marlyn Gafud at Bro. JC Esguerra.
Ayon sa aking bubuwit, si Cavite Vice Gov. Jonvic Remulla, anak ni dating Gov. Johnny Remulla ay biglang kinudeta noong nakaraang Lunes.
Ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng dating mga tauhan ng mag-amang Remulla ay biglang bumaligtad.
Yung liderato ng Partido Magdalo ay biglang kinudeta ng isang faction ng Partido Magdalo na grupo ni Cavite Gov. Ayong Maliksi.
Matagal na nating ibinabalita na hindi maganda ang relasyon ng mga Remullla kay Maliksi dahil gusto ng mga Remulla ay palitan si Maliksi bilang governor.
At ang gusto nilang ipalit ay ang anak ng Cavite political kingpin, si Vice Gov. Jonvic Remulla.
Maniniwala ba kayo na dinala ni Maliksi ang kanyang mga mayors at bokal sa Amerika. Doon pinlano ang kanilang kudeta at presto, pagbalik nila ay biglang kinudeta ang mga Remulla.
Ayon pa sa aking bubuwit, maraming mayor at mga bokal ang nagalit sa anak ni political kingpin Johnny Remulla dahil vice governor pa lang siya pero kung umasta ay parang gobernador na.
Ayon sa aking bubuwit, ang grupo ngayon ni Maliksi ay nagbabalak nang magtayo ng panibagong partido upang mawala sa anino ni Johnny Remulla ng Partido Magdalo.
Heto ngayon ang malungkot na katotohanan. Totoo yung sinabi mo President Erap Sir, talagang weather-weather lang."
Ang dating tinitingala, ang iginagalang at kinatatakutang political kingpin ng Cavite ay nakikiusap ngayon kina Maliksi na magkaroon ng status quo upang ma-preserve ang Partido Magdalo.
Naku, itong laban ni Maliksi at Remulla ay parang laban ito noon ni Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.
Mga Caviteño, abangan ang susunod na kabanata!