^

PSN Opinyon

Mga Pinoy sa Tate

- Al G. Pedroche -
DETROIT, MICHIGAN – Amerika pa rin ang paboritong puntahan ng mga Pinoy na nais magtrabaho sa abroad. Palibhasa, this country is perceived to be the land flowing with the proverbial "milk and honey".

Ngunit kung maraming Pilipino ang legal nang naninirahan at nagtatrabaho rito, higit na nakararami yaong mga "tago-nang-tago" (TNT) na siyang pinaghahabol ng US Immigration.

Mahigpit ngayon ang immigration policy rito. Dati-rati, ang turista’y makapapanatili ng maximum na anim na buwan. Ngayon, dahil sa panganib sa mga terorista, binubusisi muna isa-isa ang mga dayuhang pumapasok sa US port of entry at ang pinakamatagal na puwedeng ipanatili rito ng sino mang dayuhan ay isang buwan na lang.

Hindi na kasi alam ng gobyerno ng US kung sino ang pagkakatiwalaan. Mantakin mong may mga Amerikano rin na nagpa-convert sa Islam, naging fundamentalists at ngayo’y kasapi na sa lipi ng mga teroristang kampon ni Osama bin Laden!

At batid naman ng buong daigdig na ang US ang numero unong target ng mga teroristang ito.

This notwithstanding,
tanungin mo ang isang Pilipinong nag-aambisyong mag-abroad at pihong sasabihin niya na gusto niyang magtrabaho sa Amerika kung may oportunidad. Kesehoda kung ito’y target ng terorista.

Maraming Pinoy dito ang kung ilang taon na’y ilegal pa rin. May mga sinuwerte na nasaklaw ng amnesty na paminsan-minsa’y idinedeklara ng Pangulo.

Marami rin yaong mga nahuli at may deportation order pero nagtatago. Sila ngayon ang tinutugis ng US immigration. Itutuloy natin ang paksang ito sa susunod.

vuukle comment

AMERIKA

AMERIKANO

DATI

ITUTULOY

KESEHODA

MAHIGPIT

MANTAKIN

MARAMI

MARAMING PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with