Ayon sa SB 1834 ang isang tauhan ng AFP na ang basic pay ay P5,000 ay gagawing P10,000 bawat buwan. Ang mga sumusuweldo ng P8,000 ay tatanggap na ng P12,000 bawat buwan.
Sa pagsasabatas ng SB 1834, P8.6 billion ang idadagdag sa national budget proposal ng gobyerno sa taong ito. Marami ang natuwa sa pagsulong ng panukalang ito sa Senado at umaasa ang mga taga-AFP na mauuwi ito sa katotohanan sa lalong madaling panahon.
Ang BFAD ay nananawagan sa publiko na huwag uminom ng Bangkok pills dahil nagtataglay ito ng ephredrine, bisacodyl, furosenicle, phantermine at fanflumarine.
Batay sa mga isinasagawang pag-aaral ng mga taga-BFAD ang mga naturang substances ay sanhi ng paranoia, hallucination, hypertension, irreversible heart damage, heart failure and kidney failure na maaaring humantong sa kamatayan.