^

PSN Opinyon

Dagdag benepisyo sa mga miyembro ng AFP

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MALAKING tulong ang Senate Bill 1834 sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang panukalang ito ay nagbibigay ng dagdag na suweldo at benepisyo sa mga kasanib ng AFP.

Ayon sa SB 1834 ang isang tauhan ng AFP na ang basic pay ay P5,000 ay gagawing P10,000 bawat buwan. Ang mga sumusuweldo ng P8,000 ay tatanggap na ng P12,000 bawat buwan.

Sa pagsasabatas ng SB 1834, P8.6 billion ang idadagdag sa national budget proposal ng gobyerno sa taong ito. Marami ang natuwa sa pagsulong ng panukalang ito sa Senado at umaasa ang mga taga-AFP na mauuwi ito sa katotohanan sa lalong madaling panahon.
* * *
Puspusan ang kampanya ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) laban sa pagbebenta ng Bangkok pills na napatunayang malaking pinsala ang idinudulot sa katawan at kalusugan. Kamakailan, naaresto ang isang pusher ng Bangkok pills sa Pasig. Umaabot sa P40,000 halaga ng pildoras ang nakumpiska sa pusher.

Ang BFAD ay nananawagan sa publiko na huwag uminom ng Bangkok pills dahil nagtataglay ito ng ephredrine, bisacodyl, furosenicle, phantermine at fanflumarine.

Batay sa mga isinasagawang pag-aaral ng mga taga-BFAD ang mga naturang substances ay sanhi ng paranoia, hallucination, hypertension, irreversible heart damage, heart failure and kidney failure na maaaring humantong sa kamatayan.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BATAY

KAMAKAILAN

MARAMI

PASIG

PUSPUSAN

SENATE BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with