May pruweba sa conflict of interest
June 28, 2002 | 12:00am
GALIT si Palawan Rep. Vicente Sandoval sa nagpaparatang sa kanya ng conflict of interest. Sa pamumuno niya sa House panel sa Committee on Appointments, malinis daw ang hangarin niya laban sa paghirang kay Heherson Alvarez bilang Secretary of Environment and Natural Resources. Hindi raw akma ang matagal nang environmentalist at dating senador sa puwesto, kaya niya nilalabanan miski kapartido.
Walang conflict, ha? Makikita natin.
Inisyu ni Alvarez nung Hunyo 2001 ang DENR Administrative Order No. 17. Inutos niya sa mayors na ipaguhit sa National Mapping Office ang kani-kanilang municipal waters. Saad kasi sa Fisheries Act na hanggang 15 kilometro mula pampang ang municipal waters. Maliliit lang na mangingisda, na maliliit din ang lambat at taga, ang puwedeng mangisda rito; bawal ang commercial fishers na milya-milya ang haba ng lambat at may sophisticated equipment pa.
Tinukoy din ni Alvarez sa DAO 17 na gamitin ang archipelagic rule sa pagguhit ng municipal waters. Ang 15 kilometro ay nagsisimula sa pinakamalayong isla ng isang bayan, hindi lang mula sa main island.
Nang lumabas ang DAO 17, umangal si Sandoval. Liliit daw ang kita ng commercial fishers at lalong mapapalaot. Di natinag si Alvarez.
Kilalang isa sa big commercial fishers nung dekada 80 ang angkan ni Sandoval sa Palawan at Navotas, kung saan congressman din ang anak. Ayon sa mag-amang Sandoval, matagal na nilang ibinenta ang fishing company at lumayo na ng negosyo.
Iba ang ayon sa records ng Securities and Exchange Commission. Sa files, owner-treasurer ng Mega Fishing Corp. si Marylou Sandoval Pe Tiu Lim pamangkin ng matandang Sandoval ng Palawan at pinsan ng Sandoval ng Navotas. Gumagawa ang Mega ng de-latang sardinas. Ang congressman naman ay may-ari ng Sandoval Shipyards Inc., gumagawa at nagre-repair ng mga barko ng commercial fishers. Kaya hiling ng mayors na mag-inhibit si Sandoval sa confirmation hearings ni Alvarez.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended