^

PSN Opinyon

SSS member gustong magkabahay

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako po ay SSS member at limang taon na akong naghuhulog ng kontribusyon. Sumulat po ako sa iyo kung papaano po ako makakukuha ng bahay sa ilalim ng Rent-to-Own Program. Hindi po ako Pag-IBIG member ngunit matagal ko na pong gustong magkaroon ng sariling bahay.

Nabasa ko po ang iyong kolumn sa Pilipino Star NGAYON ang tungkol sa Rent-to-Own Program kaya naglakas loob po akong sumulat sa inyo. Paano po ako makakakuha ng bahay sa Rent-to-Own Program? Saan po ako puwedeng makapagtanong? – Lucita Samson ng Quezon City.


Ang Rent-to-Own Program ay bukas sa mga miyembro at hindi miyembro ng Pag-IBIG. Kung ikaw ay miyembro ng SSS, maari ka pa ring makakuha ng pabahay sa Rent-to-Own. Subalit kinakailangang maging aktibong miyembro ka ng Pag-IBIG kapag ikaw ay pumirma na ng kontrata o Contract of Lease. Ipapadala ko sa iyo ang primer ng Rent-to-Own upang iyong mabasa ang mga impormasyon at detalye ng programa.

Hinihikayat din kitang magtungo sa tanggapan ng Rent-to-Own Program sa Second Floor, Atrium Building, Makati Avenue, Makati City. Maaari rin silang tawagan sa telepono 810-21-26. May briefing ding ginaganap tuwing Sabado ng umaga mula 8:30 ng umaga. Sa briefing na ito ay maaari kayong magtanong at humingi ng paglilinaw tungkol sa programa. Makikita n’yo rin sa kanilang tanggapan ang larawan ng mga bahay na maaaring upahan at bilhin.

Para sa mga katanungan ipadala ang inyong mga liham sa – Office of the Chairman, Housing and Urban Development Coordinating Council, 6th Floor, Makati Avenue, Makati City. Pakilagay lamang kung gusto ninyong ilathala ang inyong mga liham.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pagtangkilik sa Pilipino Star NGAYON.

ANG RENT

ATRIUM BUILDING

CONTRACT OF LEASE

DEAR SEC

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

OWN PROGRAM

PAG

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with