^

PSN Opinyon

Pagturing sa mga alaskador

LISTO LANG - LISTO LANG ni Joel Palacios -
MULA sa pagiging kagalang-galang na estadista, ang ating mga senador ay naging tila mga nagpapatalbugang pulitiko. Nasasadlak ngayon sa matinding krisis ang lehislatura matapos ang ginawang pang-aagaw ng oposisyon sa ilang makapangyarihang komite sa senado. Umaani ng batikos ang mga senador sa media. Ipinapakita lamang ng mga senador na hindi makatarungan ang mataas na ekspektasyon ng publiko mula sa kanila.

Sa tuwing sasapit ang eleksiyon, kalimitang nagbibigay ng babala ang mga masiste. Nararapat sa atin ang pamahalaang (o senado) ating nakukuha. Sumali na sa Senado na ang mga alaskador. Matunog ang kanilang halakhak sa kanilang mga panayam sa radyo at telebisyon.

Malinaw ang mensahe ng mga senador: Huwag kayong umasa ng malaki. Kikilos kami ayon sa aming konsiyensiya’t interes.

Sapagkat lagi itong laman ng mga balita, milyung-milyon ang sumusubaybay sa mga makulay na kaganapan sa kongreso. Kabilang na dito ang mga kagila-gilalas na moro-morong ‘‘martilyo session’’ at madamdaming mga talumpati. Malamang ikaw ay natuwa, nagimbal, nadismaya, nagalit, nawalan ng pag-asa sa bansa at respeto sa mga senador o naawa na lamang sa sarili.

Ano ang dapat gawin? Maraming paraan upang ilugar ang mga alaskador at palabiro. Tingnan siya ng diretso at huwag tumawa sa kaniyang mga biro.

vuukle comment

ANO

HUWAG

IPINAPAKITA

KABILANG

KIKILOS

MALAMANG

MALINAW

MARAMING

MATUNOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with