^

PSN Opinyon

Editoryal - Tiyaking ligtas ang mga turista

-
MALAKI ang epekto sa industriya ng turismo ang mga nangyayaring pagpatay, pangingidnap at pagnanakaw sa mga dayuhang bumibisita sa bansa. Kahit na ano pang sabihin ng Department of Tourism, malaking takot na ang nangingibabaw sa mga turista para hindi na naisin pang magtungo sa bansang ito. Lalo pang nakadagdag ang pangyayaring pagkapatay sa American missionary na si Martin Burnham noong nakaraang linggo. Si Martin at asawa nitong si Gracia ay dinukot sa Dos Palmas resort noong May 27, 2001. Ni-rescue ng Philippine military sina Burnham subalit madugo ang naging wakas. Kasamang napatay ang isa pang hostage na si Ediborah Yap. Subalit bago pa ang madugong rescue, marami nang natapong dugo sa mga dayuhan sapagkat ang kasamahan ng mga Burnham na si Guillermo Sobero ay pinugutan ng ulo ng mga Abu Sayyaf noong June 12 ng nakaraang taon.

Pawang turista ang pinupuntirya ng mga masasamang loob sapagkat dollar nga naman ang kanilang kikitain. Kumita ng milyong dollar ang mga bandido nang kidnapin nila ang 21 dayuhan sa Sipadan, Malaysia noong April 23, 2000. Tinaguriang "kidnapping capital sa Asia" ang Pilipinas.

Hindi lamang sa malayong Mindanao nagaganap ang pagsasamantala sa mga dayuhan o turista kundi pati na rin dito sa Metro Manila. Walang patid ang nangyayaring pambibiktima sa mga dayuhan. Madalas na sa loob pa lamang ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nabibiktima na sila. Hinoholdap o kaya ay kinikidnap.

Isa sa pinaka-popular na pambibiktima sa mga dayuhan ngayon ay paglalagay ng droga sa kanilang inumin. Bihasa sa ganitong gawain ang Ativan Gang. Hahaluan ng pampatulog ang inumin ng kinaibigan nilang dayuhan at presto!

Pinaka-latest na biktima ng Ativan Gang ay si Chung Young Ho, Third Secretary ng South Korean Embassy. Natagpuang patay si Chung noong June 7 sa Marikina City. Mga Ativan Gang ang pinaniniwalaang pumatay sa Korean. Hindi pa nalulutas ng Philippine National Police ang pagpatay.

Minsan ay sinabi ni Tourism Sec. Richard Gordon na ligtas na lugar ang Pilipinas para puntahan ng mga turista. Sinabi namin noon na baka nagbibiro o nagpapatawa lang si Gordon. Baka nga nagbibiro lamang siya dahil sa totoo lang, hindi ligtas ang mga turista sa pagtapak pa lamang sa bansang ito. Gumawa ng paraan para sila proteksiyunan.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ATIVAN GANG

BURNHAM

CHUNG YOUNG HO

DEPARTMENT OF TOURISM

DOS PALMAS

EDIBORAH YAP

GUILLERMO SOBERO

MARIKINA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with