Housing at Multi-Purpose Loan para sa OFW
June 12, 2002 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Ako po ay 39 yeas old at walong taon nang nagtatrabaho dito sa Saudi Arabia. Hanggang ngayon po ay wala pa akong sariling tahanan dahil sapat lamang ang aking kinikita sa aking pamilya. Nabasa ko ang iyong kolum dito sa PSN at napakaganda ng iyong hangarin sa tulad naming mga OFW na nais magkaroon ng sariling tahanan o puhunan sa negosyo.
Nais ko po sanang malaman kung puwedeng magsadya ang aking maybahay sa inyong opisina para makapag-miyembro ako sa Pag-IBIG Overseas Program. Dito po kasi sa pinapasukan ko ay malayo po kami sa mga binabanggit ninyong opisina ng POP. Ano po ang mga kailangan para maging miyembro? Romulo Rosendo
Para maging miyembro ng POP, kinakailangan mong pirmahan at isulat ang mga detalyeng hinihingi sa Membership Form. Ipadadala ko sa iyo ang Membership Form, kailangang dalawang kopya ang iyong lagdaan at lakipan ito ng dalawang 1x1 ID pictures. Ipadala mo na lamang ang mga forms na ito sa iyong asawa at dalhin niya ito sa Pag-IBIG Overseas Program 6th Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City.
Sa POP, maaaring mag-housing loan ang isang miyembro ng hanggang dalawang milyong piso. Ito ay maaaring gamitin sa pagpapatayo ng bahay, pambili ng bahay at lupa. Maaari ring gamitin ito sa pagkumpuni, renovation o expansion ng bahay o pambili ng bahay o lupa lamang. Kailangang nakapagbayad ka lamang ng halagang katumbas ng 12 buwang kontribusyon upang makautang. Ang halagang iyong mauutang ay mababayaran sa loob ng lima o 10 taon.
Maaari ka ring umutang ng Multi-Purpose Loan (MPL) na magagamit sa pambili ng mga gamit at kasangkapan, pang-medikal at edukasyong pangangailangan o sa livelihood projects. Sa MPL naman ay kailangan may savings ka ng hindi bababa ng 24 na buwang kontribusyon. Ang mauutang mong halaga ay 60 percent ng halaga ng iyong savings.
Sa mga katanungan ipadala ang inyong mga liham sa Office of the Chairman, HUDCC, 6th Floor Atrium Building., Makati Avenue, Makati City.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest