Mga awiting likha ng mga dakilang kompositor na Pilipino gaya nina Constancio de Guzman, Lucio San Pedro, George Canseco, Willie Cruz at iba pang hango sa musika ang repertoir ng trio na Center Angela na binubuo nila Level Pearl Velasco, Doreen Cardinal at Janaira Jelasco, si Level ay may solo number. Bale anim ang magsolo niyang kakantahin kabilang ang mga love songs na pinasikat ni Basil Valdez. Si Level ay seventh grades sa Assumption Antipolo at tatlong taong nag-aral sa Center for Pop Music Philippines. Aawitin din niya ang Isang Pangarap na pinasikat ni Dulce, Dont Rain On My Parade, Independent Woman, at iba pa.
Si level at ang dalawang kasama niya sa Center Angela ay sumailalim sa pagtuturo ni Butch Albarracin na director ng kanilang concert.
Maraming beses na siyang naging guest singer sa ibat ibang TV shows. Siya ang umawit sa mga golden mother achievers sa Alay Kay Inay 2002. Bilang pagunita sa Mothers Day na ginanap sa PICC at napanood sa Channel 9. Nakatakda rin siyang front act sa darating na concert. Maraming beses na naging guest singer sa ibat ibang TV shows.
Ang concert ng Center Angela sa Martes ay magsisimula alas-siyete ng gabi sa On Stage, Greenbelt, Makati City.