^

PSN Opinyon

Mga awiting sariling atin

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SA kabila ng pagiging popular ng mga awiting banyaga, hindi pa rin puwedeng lampasan ang ganda ng himig at diwa ng mga awiting Pilipino. Personal na napatunayan ko at mga kaibigan na talagang iba ang dating ng mga OPM nang mapanood namin ang dress rehearsal ng Center Angela Live on stage na ipalalabas sa Martes, Hunyo 11.

Mga awiting likha ng mga dakilang kompositor na Pilipino gaya nina Constancio de Guzman, Lucio San Pedro, George Canseco, Willie Cruz at iba pang hango sa musika ang repertoir ng trio na Center Angela na binubuo nila Level Pearl Velasco, Doreen Cardinal at Janaira Jelasco, si Level ay may solo number. Bale anim ang magsolo niyang kakantahin kabilang ang mga love songs na pinasikat ni Basil Valdez. Si Level ay seventh grades sa Assumption Antipolo at tatlong taong nag-aral sa Center for Pop Music Philippines. Aawitin din niya ang ‘‘Isang Pangarap’’ na pinasikat ni Dulce,’’ Don’t Rain On My Parade,’’ Independent Woman,’’ at iba pa.

Si level at ang dalawang kasama niya sa Center Angela ay sumailalim sa pagtuturo ni Butch Albarracin na director ng kanilang concert.

Maraming beses na siyang naging guest singer sa iba’t ibang TV shows. Siya ang umawit sa mga golden mother achievers sa ‘‘Alay Kay Inay 2002.’’ Bilang pagunita sa Mothers Day na ginanap sa PICC at napanood sa Channel 9. Nakatakda rin siyang front act sa darating na concert. Maraming beses na naging guest singer sa iba‘t ibang TV shows.

Ang concert ng Center Angela sa Martes ay magsisimula alas-siyete ng gabi sa On Stage, Greenbelt, Makati City.

ALAY KAY INAY

ASSUMPTION ANTIPOLO

BASIL VALDEZ

BUTCH ALBARRACIN

CENTER ANGELA

CENTER ANGELA LIVE

DOREEN CARDINAL

GEORGE CANSECO

INDEPENDENT WOMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with