^

PSN Opinyon

OFW na gustong magkabahay

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Secretary Defensor,

Nabasa ko po sa kolum ninyo ang tungkol sa Pag-IBIG Overseas Program.

Ako po ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Riyadh Saudi Arabia at nais ko po sanang magkaroon ng sariling bahay. Sana po ay mabigyan n’yo ako ng mga kaukulang impormasyon ukol dito. – Jaime L. Ocampo Jr.


Bilang isang OFW, maaari kang maging miyembro ng Pag-IBIG sa ilalim ng Pag-IBIG Overseas Program (Pag-IBIG POP). Kailangan mong makipag-ugnayan o sumulat sa pinakamalapit na tanggapan ng Pag-IBIG POP office diyan sa Riyadh, sa Philippine Embassy site D4, Colector Rd. C, Diplomatic Quarters P.O. Box 94366, Riyadh 11693 tel. no. (9661) 4880335/4823615 upang mapabilis ang iyong rehistrasyon bilang miyembro.

Bilang miyembro, kailangan mong magbayad ng buwanang kontribusyon sa halagang US$20 hanggang US$50. Kapag mas malaki ang iyong kontribusyon, mas malaki rin ang puwede mong utangin para sa housing loan. Kapag nakapagbayad ka na nang halagang katumbas ng 12 buwanang kontribusyon, ay maaari ka ng umutang para pampatayo ng bahay.

Maaaring kumuha kayo ng pabahay sa ilalim ng Rent-to-Own Program kung saan mangungupahan muna kayo ng bahay at pagkatapos ay maaari ninyong bilhin. Maaari ring utangin ninyo mula sa Pag-IBIG ang inyong pambayad at ikakaltas ang bahagi ng inyong renta sa kabuuang halaga ng bahay at lupa. Ipapadala ko sa iyo ang brochure ng Rent-to-Own upang maaaring makipag-ugnayan ang inyong mga kapamilya sa Pag-IBIG sa programang ito. Nawa ay naliwanagan ka sa aking kasagutan.

Para sa mga katanungan ipadala ang inyong mga liham sa – Office of the Chairman Housing and Urban Development Council, 6th Floor Atrium Building, Makati Avenue, Makati City.

BILANG

COLECTOR RD

DEAR SECRETARY DEFENSOR

DIPLOMATIC QUARTERS P

FLOOR ATRIUM BUILDING

IBIG

JAIME L

KAPAG

OVERSEAS PROGRAM

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with