Paghahalaman sa tubig
May 29, 2002 | 12:00am
SIGURADONG marami ang tataas ang kilay pero totoo na puwedeng magtanim ng halaman na walang lupa. Ang hydrophonics ay ang pagtatanim ng halaman sa tubig na may halong nutrients. Siguraduhing may sapat na kakapitan o aangklahan ang mga ugat ng halaman. Itanim sa paso, palanggana, at iba pang container na ang tubig ay libre sa bacteria at amag at dapat na alagaan sa anumang insekto na puwedeng pumatay sa halaman. Siguradong itatanong ninyo kung bakit nabubuhay ang halaman sa tubig. Itoy dahil sa ang sustansiya sa lupa ay makikita rin sa tubig at dapat na ang mga halaman, maging seeds pa lang ay dapat na sanayin na mabuhay sa tubig na siya nilang habitat.
Sa panahong ito na kakaunti na lang ang lupang puwedeng pagtamnan at sa mga lungsod na wala namang malalawak na lupang pagtatamnan ay mahalaga ang prosesong hydrophonics.
Halos lahat ng halaman ay puwedeng i-hydrophonics pero madali ang pagtubo ng mga halamang gaya ng kamatis, pakwan, watermelon, cucumber, brocolli, petsay, lechugas, at iba pang tanim na mas madaling alagaan kung itoy itatanim na patayo at iyong hindi mga gumagapang at puwedeng ilagay ang mga ito sa labas at gilid ng bahay.
Sa mga condominium at opisina ay puwedeng mag-hydrophonics. May mga naghahalaman sa mga aquarium sa halip na mga isda ay mga halaman ang inilalagay. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa hydrophonics maaari kayong sumangguni sa Institute of Plant Breeing sa UP Los Baños at hanapin si Ginoong Primitivo Santos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended