^

PSN Opinyon

Editoryal - Krime'y tumataas, nasaan ang mga parak ?

-
SA isinagawang survey kamakailan, maraming tao na ang natatakot lumabas sa gabi dahil natatakot umano silang mapahamak o mabiktima ng mga masasamang loob. Mas nakasisiguro kung lalagi na lamang umano sa loob ng bahay sa gabi para maiwasan ang kapahamakan. Nagkalat sa kasalukuyan ang masasamang loob at wala nang sinasanto. Wala na rin silang kinatatakutan sapagkat kahit sa araw ay patuloy silang nambibiktima at mas karumal-dumal ang ginagawa nilang pagpatay. Sa kabila na naglipana ang masasamang loob, pilay naman ang Philippine National Police (PNP) at walang magawang solusyon kung paano lubusang puputulan ng sungay at ngipin ang mga halang ang kaluluwa.

Isa sa nakadidilat na halimbawa na wala nang kinatatakutan ang mga masasamang loob ay nang holdapin kamakalawa ng gabi ang isang pampasaherong bus at pinatay pa ang isang pulis na nakasakay doon. Nakilala ang pulis na si PO1 Epifanio Torres ng Central Police District. Anim na lalaki ang sumakay sa Genesis Transport bus sa terminal nito sa Pasay. Nang sumapit ang bus sa kanto ng Quezon Ave. at EDSA, nag-announce ng holdap ang mga kalalakihan at kinuha ang pera at alahas ng mga pasahero. Nang kunin kay Torres ang pera nito ay lumaban ang pulis. Sa puntong iyon siya binaril ng isa sa mga holdaper. Makaraan ang pagpatay ay walang anumang nagbabaan ang mga holdaper. Walang nakarespondeng mga pulis. Wala ni isa mang nakakitang awtoridad upang habulin ang mga holdaper.

Ang pangyayari ay nagpapakita lamang na hindi kayang proteksiyunan ng PNP ang taumbayan. Taliwas sa kanilang sinasabi na bumababa na nga ang krimen sa Metro Manila. Patuloy ito at lalo pa ngang naging mabangis habang tumatagal.

Hindi natutupad ang sinasabi ng PNP na nagpapatrulya ang mga pulis upang mapangalagaan ang taumbayan. Kung nagpapatrulya, nahuli sana ang mga nangholdap at pumatay sa pulis. Subalit nakalulungkot na nilamon lamang ng dilim ang mga kriminal. At sigurong sasalakay na naman sila sa mga bus, manghoholdap at walang awang papatay.

Kung anu-anong anti-crime organization ang itinatatag ng pamahalaan at PNP para malipol ang mga kriminal subalit balewala at patuloy ang pamamayagpag ng mga halang ang kaluluwa. Baka dumating ang panahon na baka kahit sa katirikan ng araw ay hindi na papanaog ang taumbayan para hindi mapahamak.

CENTRAL POLICE DISTRICT

EPIFANIO TORRES

GENESIS TRANSPORT

ISA

METRO MANILA

NANG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON AVE

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with